Jhong Hilario, kinabilibang Cum Laude sa edad na 46
May pinagmahan naman pala ang anak ni Jhong Hilario na si Sari. Ang bright ng bata base sa mga video post ni Jhong. Ang husay mag-memorize.
At obviously nagmana ito sa amang councilor ng Makati at host ng It’s Showtime.
Nag-flex si Jhong na Magna Cum Laude siyang nagtapos ng AB Political Science sa Arellano University.
Forty-six years old si Jhong na grumadwayt na Virgilio “Jhong” V. Hilario Jr. ang totoong pangalan.
Mensahe niya sa mga nangangarap makatapos kahit pamilyado na “Sa lahat ng gustong magtapos ng pag-aaral, kahit late na, ‘no, na katulad ko, meron talagang pagkakataon, meron talagang paraan, ‘no, para gawin ito kahit sobrang busy tayo. Time management lang. For me napakaiksi ng buhay para walang gawin, eh,” sa interview ng TV Patrol.
Kaya naman inulan siya ng congratulatory messages.
- Latest