Struggail, ibinuhos ang damdamin sa Next 2 Me

Struggail

Ibinahagi ng Star Music artist na si Struggail o Gail Banawis ang karanasan niya sa nawalang pagkakaibigan sa bagong single na Next 2 Me.

Ang Next 2 Me ay isang jazz track na may kwentong hatid tungkol sa unti-unting pagkahiwalay ng pagkakaibigan at ang iba’t ibang emosyon na dala nito. Isinulat ni Struggail ang awitin habang iprinod­yus naman ito ng singer-songwriter na si Lian Dyogi.

“This song reaches out to anyone who has experienced an unexpected gradual falling out with a friend, a relative, or even a lover. To anyone who ever questioned if there was anything you could’ve done to salvage it, you’re not alone,” aniya.

Nagsimula ang musical journey ni Struggail sa pagco-cover ng iba’t ibang awitin tulad ng ballads, rap, at musical theater. Inilabas niya ang kanyang unang single na Make U Smile noong 2019 na umani ng mahigit 400,000 streams sa Spotify. Sa pamamagitan ng pagsusulat ng kanta, nais niyang ibuhos ang karanasan sa mga awitin na makakapagbibigay pag-asa sa mga tao.

Bukod sa pag-awit, bumida rin siya sa iba’t ibang serye tulad ng Love at First Stream, Connected, at ang hit series na Teen Clash.

Show comments