Ara, may nadiskubreng sakit nang magkabilbil!
Parang pumayat ka? bati namin kay Ara Mina sa celebrity screening ng pelikulang First Monday Screening ng Net 25 Films.
“Medyo iniingatan ang pagkain kasi medyo marami po tayong projects this year kaya pinaghahandaan ang katawan. May diet pero low carb, pero dumating ako sa point na 1 month na cauliflower rice. And nagpa-check ako and I had hypothyroid. Sinabayan ko ng diet while taking meds and then nag-normalize na siya,” paliwanag ni Ara.
Nag-gain daw siya noon ng weight at nagkabilbil na hindi dati nangyayari. “Kasi before, kahit nagge-gain ako, hindi ako nagkakabilbil. Nung 2019, sabi ko ‘hindi na tama ‘to.’ Nagpa-blood test ako. Mataas ang cholesterol ko and everything. ‘Yon na-check nga, kahit anong diet ko, ganon (malaki) ako. So ngayon name-maintain ko siya because nag-normalize na and nawala na rin ‘yung PCOS ko.”
Anong mga show mo? “I have a show in TV5, Jack En Jill, with Sue Ramirez and Jake Cuenca. It’s a sitcom, Jack En Jill sa Diamond Hills. And then ila-launch ‘yung Magandang Araw dito sa Net 25 on July. And I have a movie showing on July, Litrato. And then I’m shooting a movie with Janice de Belen, Tonton Gutierrez, tito Ronaldo (Valdez), Jaclyn Jose – Poon.”
Wala kang planong magka-baby? “Next year kaya nilulubos ko ngayon. Nilulubos lahat ng projects so next year ako naka-plan mag-baby.”
- Latest