Pinoy movies, nilalamon na rin ng Vietnamese movies

Japanese series, nakikipaglaban sa K-Dramas Direk Paul, mala-tourist’s... Ang gagawin kay Vanessa?!

Ang slow ng phasing ng Japanese series pero nakakaaliw pa ring panoorin.

Ang dami na rin kasing available na Japanese series sa mga streaming platform at maganda rin ang kuwento pero ‘yun nga, hindi pa katulad ng Korean dramas na na-perfect na ang overall production.

Actually ang Vietnam, parang nauunahan na rin ang Philippine cinema.

Bongga ang promo ng Vietnam tourism sa pelikulang A Tourist’s Guide to Love.

Talagang nai-promote ng nasabing bansa.

Baka nga ganitong pelikula ang pinagpaplanuhang gawin ni Direk Paul Soriano starring Vanessa Hudgens.

Kukunan daw kasi sa mga tourist spot sa Pilipinas ang nasabing pinagbabalakang gawin ni Direk Paul.

Tulad ng Palawan, Boracay, Surigao at iba pang magagandang lugar sa bansa.

Ang chika nga, naghahanap ngayon si Direk Paul ng mga investor at lumalapit sa ibang possible investors.

Show comments