^

PSN Showbiz

Alden at Bea, nagkaroon ng ‘personality clash’?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Alden at Bea, nagkaroon ng �personality clash�?!
Alden at Bea
STAR/ File

Deal sa pagtatambalang pelikula ‘di na nga ba tuloy?

Hindi na raw talaga matutuloy ang suppo­sedly ay pagbibidahang pelikula nina Alden Richards and Bea Alonzo ayon sa narinig kong usap-usapan.

Though wala pang official statement tungkol dito.

Unless mag-deny ang kampo nina Alden and Bea.

Pero waley na raw talaga ‘yun, as of presstime.

May naganap daw na ‘persona­lity clash/es’ na ang meaning ay ‘a disagreement between people with different personalities.’

Nangyari raw ito sa taping noong papa-ending na ang kanilang kauna-unahang tambalan sa local adaptation ng Korean hit series na Start-Up ng Kapuso Network.

Maaalalang noong 2021 ay pumirma sina Alden at Bea ng isang deal para sa pelikulang pinamagatang Special Memory na Pinoy adaptation ng Japanese TV drama na Pure Soul, na pinagmulan din ng 2004 South Korean movie na A Moment To Remember.

Magiging busy na Alden sa pelikulang gagawin nila ni Julia Montes na Five Break-Ups And A Romance.

Wala pang nababanggit kung anong pelikula ang sisimulan ng actress.

Sino kayang magde-deny tungkol dito? Chika lang naman ito at sila ang nakakaalam ng buong katotohanan.

Mga producer ng Summer Filmfest, ‘di nabawi ang puhunan

Ang laki raw ng lugi ng mga producer sa ginanap na Metro Manila Summer Film Festival.

Parang 10 to 20% lang daw ng kanilang gastos ang kinita ng ibang pelikula habang ang iba ay talagang nauwi sa wala ang puhunan.

Unless daw bilhin ito sa streaming platform na ngayon din daw ay nambabarat na dahil ang dami na ring available titles.

May isang pelikula raw na ang ginastos ay P30 million pero more than P5 million lang ang bumalik sa kanila.

Wala raw dun ang tax.

Paano pa ‘yung share ng mga sinehan?

Talagang malungkot ang kapalaran ng mga pelikulang ipinalalabas sa mga sinehan lately.

Walo ang official entries sa MMSFF na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan noong April 8.

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with