Paolo tanggal nga ba sa Bulaga, TVJ thrice a week na lang!

Paolo Ballesteros

Inaabangan na ang magiging relaunching ng Eat Bulaga beginning April 15.

Pabago-bago raw ang mga plano pero ang sabi magiging three times a week na lang ang TVJ – Tito, Vic and Joey.

Yes definitely raw ay hindi mawawala ang legendary hosts sa programa.

Pero ang isang sad news kung totoo ang narinig kong kuwento, babu na raw sa programa si Paolo Ballesteros.

Ang sabi, diumano’y hindi ito nakasama sa mga maiiwan sa programa. Magko-concentrate na lang kaya si Paolo sa kanyang pagiging designer?

Anyway, iba’t iba ang naririnig kong kuwento tungkol sa relaunching ng longest noontime show na ngayon nga raw ay ang kampo na ni former Cong. Romy Jalosjos na ang namamahala sa buong operation ng programa sa pangunguna ng anak niyang si Bullet na dati na ring producer ng mga pelikula.

‘Di ko lang sure kung natuloy ang plano noon ni Mr. Bullet na i-produce ang life story ng common-law wife ni Dr. Jose Rizal na si Josephine Bracken na nabanggit niya noong nakiusap siya sa ilang entertainment press noong 2019.

Naging congressman siya ng 1st District of Zamboanga del Norte at marami si Mr. Bullet kaibigang artista like Dingdong Dantes na naalala kong naging ex din niya si Rufa Mae Quinto.

Show comments