^

PSN Showbiz

Janella, KZ at Bamboo, pasabog ang birthday

Pilipino Star Ngayon
Janella, KZ at Bamboo, pasabog ang birthday
Janella Salvador

MANILA, Philippines — Todo-todo ang mga selebrasyon sa ASAP stage, tampok ang triple birthday pasabog nina Janella Salvador, KZ, at Bamboo ngayong Linggo (Marso 19) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Magbabaga ang ASAP stage sa solo birthday treat ng Kapamilya leading lady na si Janella, habang may pa-blowout din na collab sa kanilang kaarawan ang The Voice Kids coaches na sina KZ at Bamboo.

Ratsada pa rin ang P-Pop fever sa back-to-back pasabog ng BGYO at BINI kasama sina Donny Pangilinan, Maymay Entrata, at Sheena Belarmino. Hindi rin pahuhuli ang fresh performance ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa Sarah G Specials.

Patuloy nating ipagdiwang ang National Women’s Month sa all-star empowerment act nina Alexa Ilacad, Vivoree, Krystal Brimner, Shanaia Gomez, Lara Maigue, Janine Berdin, Jason Dy, Jeremy G, at ng buong ASAP family kasama si Robi Domingo.

Makihataw naman sa Clash Dance tapatan nina AC Bonifacio at ang anak ni Sylvia Sanchez at kapatid nina Arjo at Ria na si Gela Atayde. Magpapakilig din ang loveteam kantahan nina Donny at Belle Mariano, Loisa Andalio at Ronnie Alonte, pati nina Anji Salvacion at Kice.

Abangan din ang New Gen Biritan nina Lucas Garcia, Fana, Enzo Almario, Sam Mangubat, Laine, Khimo Gumatay, Ann Raniel, at Bryan Chong kasama sina Kyla at Jolina Magdangal, pati ang Kelly Clarkson hits tapatan nina Jona, Darren, Angeline Quinto, at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

At huwag palampasin ang bigating exchange hits biritan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine sa The Greatest Showdown.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with