^

PSN Showbiz

Nanette, dinadagsa ng offer

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nanette, dinadagsa ng offer
Nanette Medved
STAR/File

Bongga si Nanette Medved. Mula nang ilagay natin siya sa column sa Pilipino Star Ngayon at Pang Masa, ang dami nang inquiry kung puwede siyang lumabas sa movie at serye.

Tahimik at iba na ang buhay ni Nanette ngayon. Iba na ang priority niya sa buhay. So proud of all her achievements and what she is doing now.

At honestly, sa lahat ng alaga ko hindi ko akalain na siya ang very concerned sa kalagayan ko, checking at dumadalaw nang walang time limit. Siyempre ‘yung ibang alaga ko lagi kong nakikita dahil lahat naman halos busy sa showbiz, kaya madalas nagkikita-kita kami.

Pero si Nanette nga na iba na ang mundo sa ngayon, ikinagulat ko na heto at dinadalaw ako. So sweet of Nanette na bigyan ako ng time kaya talagang appreciated ko. A good person will always have the blessing from heaven, at alam mo na rin ‘yung fake na kunwari very caring pero hindi pala.

No wonder bongga ang Nanette, kasi nga deep down her heart nandu’n ang tunay na kindness, hindi plastic at pakitang-tao lang. Thank you, Nanette, so grateful.

AllTV, merong bagong palabas

Naku mukhang maganda ‘yung Korea­novela na Hot Mom ng AllTV.

Talagang pinipiling mabuti ng AllTV ang mga program na ilalagay nila dahil nga gusto nila na magandahan ang manonood at maging all-time favorite ang AllTV channel na napakaganda ng reception dito sa Fairview ha.

Maliwanag at very clear.

Kaya baka ‘pag uminit na ang mga test programming nila mabalik na rin ‘yung program nina Ruffa Gutierrez, Mariel Padilla at Ciara Sotto. Saka talaga naman ginagawa lahat ng ALLTV para mas maganda ang shows na ilalabas nila sa station nila. 

vuukle comment

ALLTV

NANETTE MEDVED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with