^

PSN Showbiz

Ysabel at Miguel, bagay na bagay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ysabel at Miguel, bagay na bagay
Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega

Ang ganda ng teaser ng Voltes V: Legacy ng GMA 7. Cute ‘yung loveteam nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega. Parang bagay na bagay sila at mukhang marami pa silang pagsasamahan na project. Cute silang tingnan together at maganda ang batuhan nila ng dialogues.

Kung sakaling makagawa uli ng loveteam ang GMA 7, maganda para mas lalong exciting ang mga bagong serye. So ayos lang na merong tambalang Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega. Bongga.

Mga nagkakaedad, naghahanap din ng kalinga ng ina

May dialysis session ako ngayon kaya maaga akong nagising. Dahil medyo senti nga ako dahil 76 years old na ako, parang biglang naalala ko ang mother ko. Naisip ko na ang suwerte pa ng mga buhay pa ang mother nila. Naisip ko na iba nga pala ‘pag meron ka pang mother, ‘yung emotionally strong ka, dahil parang nandiyan at meron kang kakampi.

Iba talaga ang closeness ng isang anak sa kanilang ina.

Siguro nga ‘pag matanda ka na lalo mong nalisip ‘yung bond ninyo ng mother mo, iyon bang biglang papasok sa isip mo ‘yung mga oras na nasayang na hindi mo nabigyan ng atensyon ang nanay mo, the most influential person in your life. 

Sila ang naging guide mo sa iyong paglaki. Sila ang living hero mo. How you wish they will be with you forever. Missing your mother at this point in your life. Love our mother, take care of them, love them. I love you, nanay, I miss you.

vuukle comment

MIGUEL TANFELIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with