^

PSN Showbiz

Viu, 100+ na ANG mga programang dubbed sa Tagalog at Bisaya

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Viu, 100+ na ANG mga programang dubbed sa Tagalog at Bisaya
The Heirs
STAR/ File

Mayroon nang higit sa 100 Asian dramas na dinub sa Tagalog at Bisaya ang Viu, ang pan-regional OTT video strea­ming service ng Hong Kong-based na kumpanyang PCCW. At para ipagdiwang ang mga bonggang tagumpay, magkakaroon ng libreng “Tagdub” (Tagalog-dubbed)-inspired event umpisa kahapon ika-18 until today sa SM Megamall Activity Center.

Ayon kay Mr. Vinchi Sy-Quia, Assistant General Mana­ger ng Viu Philippines, umpisa lamang ito sa pagdaragdag nila ng mas maraming dubbed na palabas. “’Ika, nga, ‘we’ve come a long way’ dahil noong November 2020, kokonti lamang ang mga dubbed na K-dramas sa Viu. Pero ngayon lumampas na sa 100! Patuloy kaming magdaragdag ng dubbed content. Hindi lang mga palabas mula sa Korea ang tinutukoy ko, kundi mula rin sa China, Thailand, at iba pang Asian countries ang aming ida-dub sa Tagalog, Bisaya, at kung papalarin, sa iba pang wika ng Pilipinas.

“Iba talaga kapag nadirinig mo ang iyong paboritong artistang nagsasalita ng iyong wika. Mas enjoy at mas tagos sa puso. Ang aming standard ay nakasaad sa tagline na ‘Swak sa dubbing, swak sa feels.’ Mapa-Tagalog o mapa-Bisaya, tiyak na aantig sa puso at damdamin ng manonood na Pinoy ang aming mga dubbed na palabas,” pahayag ni Mr. Quia.

Para lalong mag-enjoy, bukas at libre sa lahat ang Viu Village sa SM Megamall Activity Center kahapon at ngayon. Mag-astang voice actor sa Tagdub booth, i-flex ang inyong ga­ling magpares-pares ng drama posters, magpakuha ng litrato sa photo booth, at magkaroon ng pagkakataong manalo ng mga premyo sa interactive games at raffle draws.

At dahil buwan ng mga puso ang Pebrero, ikinakampanya ng Viu ang mga dubbed love stories nila, gaya ng Hotel Del Luna, 18 Again, Reply 1988, Encounter, She Was Pretty, The World of the Married Couple, Dr. Romantic, The Last Empress, at pati na rin ang mga Viu Originals tulad ng Doom At Your Service at River Where The Moon Rises. Mayroon ding mga series na nasa Bisaya na tulad ng Descendants of the Sun, at My Girlfriend is a Gumiho. Ang True Beauty na ngayon isa sa pinakasikat sa Tagalog dub ay lalabas din sa Bisaya ngayong 2023.

I-download ang Viu app sa Google Play o Apple Store para mapanood nang libre ang iyong paboritong Asian shows, at Tagalog-dubbed at Bisaya-dubbed dramas.

vuukle comment

LAST EMPRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with