^

PSN Showbiz

Coco Martin na-'awkward' sa rape scene sa 'Batang Quiapo'

James Relativo - Philstar.com
Coco Martin na-'awkward' sa rape scene sa 'Batang Quiapo'
Litrato nina Coco Martin (kaliwa) at Miles Ocampo (kaliwa)
Mula sa Instagram account ni Coco Martin

MANILA, Philippines — Aminado ang aktor na si Coco Martin na naasiwa siya sa isang eksena ng panghahalay sa bago niyang serye na "FPJ's Batang Quiapo."

Parte kasi ng serye ang kanyang "panggagahasa" kay Miles Ocampo. Maliban pa rito, si Miles ay isa ring aktres na higit mas nakababata sa kanya at itinuturing niyang "anak-anakan."

Ito nga ang kanyang inilahad tungkol sa dating child star sa katatapos lang na grand media conference ng bagong Kapamilya serye na "FPJ's Batang Quiapo" nitong Martes.

"Honestly, noong una, siyempre nga, baby ko kasi ‘to, eh. Si Miles talagang sa mga pelikula, isa ‘yan sa mga beybi-beybihan ko na kahit hindi kami nagkikita talaga, 'pag nagkikita kami tapos ‘yung nanay pa niya, kaklase ko pa," wika niya.

"Nao-awkward ako honestly, feeling mo, ala-alaga mo, tapos rereypin mo na ngayon sa eksena? Parang ang awkward noong eksena."

Paliwanag ng 41-anyos na aktor, kinausap niya pa nang masinsinan ang 25-anyos na aktres kung handa na siya sa mga ganitong eksena o kung mas okay siya sa dati niyang pagpapatawa. 

Pero ganito raw ang pagtitiyak ni Miles: "'Kuya, gusto na 'yung ganito."

"Yung maturity. Noong nakita ko sa kanyang ganoon, siyempre inalam ko muna kasi nangingilag pa rin ako dahil siyempre, lalaki pa rin ako, eto babae, para alam ko lang ang limitasyon. Kasi ayoko ‘yung makaka-offend ka, eh or lalagpas ka du’n sa limitation," dagdag pa ng aktor.

"Kahit ‘yung mga sabunot ko pa lang, game na game siya. ‘Yung sobrang open siya, sinasalo niya kung ano ‘yung ibinibigay ko."

May eksena pa nga raw na nahubaran si Miles ngunit wala naman daw problema.

Isa si Coco sa direktor ng naturang TV series, kung saan makatutuwang niya si Malu Sevilla na nakatrabaho niya noon sa "Ang Probinsyano."

"Napakataas ng pagtingin niya sa trabaho niya. Kasi ‘yun ang tinitingnan niya, eh. Hindi ‘yung parang ‘raket lang ‘to, acting-acting lang ako,’" sabi pa niya.

"Siya, nun’g tinanggap niya ‘yung project, alam niya na ‘open ako kung ano ang ipapagawa sa akin.’ Saka naghahanap na siya ng ano, eh, maturity du’n sa trabaho niya."

Kilalang dating mainstay ng children's gag show na "Goin' Bulilit" si Miles, at kasalukuyang nakapirma sa Crown Artist Management ng kapwa aktres na si Maja Salvador.

Ika-7 lang ng Pebrero nang ikasa ang celebrity screening ng palabas sa Trinoma Mall, kung saan sinamahan si Coco ng kanyang leading lady na si Lovi Poe.

Magsisimulang umere para sa lahat ang "Batang Quiapo" sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5 sa ika-13 ng Pebrero gabi-gabi, 8:00 p.m.

vuukle comment

BATANG QUIAPO

COCO MARTIN

MILES OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with