Tauhan ng NAIA na kinilig habang kinakapkapan ang miyembro ng ENHYPEN, inireklamo!
Kinilig sa grupong ENHYPEN ang isang empleyado ng NAIA na nasa security screening area.
Ang ending, asa hot water siya ngayon.
Makikita sa kumalat na video sa Tiktok ang isang babaeng empleyado sa NAIA na kinakapkapan ang mga miyembro ng sikat na Korean boy band at sinasabi sa kanila na ibaba ang kanilang mga face mask. Ang pangangapkap ay SOP sa security screening sa airport.
Pero kilig na kilig si ate at tumitingin sa camera sa may likuran niya base sa video na kumalat.
Agad nagpa-react ang ibang fans ng grupo na hiyang-hiya sa ginawa ng babae at may nag-tweet ng “nakakahiya maging pilipino kung ganto lang gagawin niyo. proper work ethics where? professionalism where? bakit ganto mga staffs niyo? bakit ganyan yung nagiinspect why is she smiling like that? is that how is it really supposed to be done? no right :))”
Dahil dun ay nag-trend ang #Nakakahiya.
Ganundin ang #MIAAdoBetter.
Katatapos lang ng three-night concert extravaganza ng ENHYPEN para sa kanilang unang world tour na Manifesto dito sa Manila na originally ay two nights lang pero naging tatlong gabi dahil ang bilis daw na-soldout.
- Latest