^

PSN Showbiz

Ara, pinag-aaralan kung paano maging baby boy ang ipagbubuntis!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ara, pinag-aaralan kung paano maging baby boy ang ipagbubuntis!
Ara Mina

Ang magka-baby ang isa sa gustong ma-achieve ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ngayong taon.

Kahit si Vice Ganda ay nagbago na rin ng isip at gusto na ring magka-baby sila ni Ion Perez through surrogacy.

Si Ara Mina na nakatsikahan din namin sa story conference ng Litrato ng 3:16 Media Productions ay kampante naman siyang magkaka-baby pa siya.

Nagpa-check na raw siya at okay naman daw siya.

Pero sa ngayon ay gusto raw muna niyang magtrabaho, dahil ang daming projects na naka-line up sa kanya. “Feeling ko next year na ako magbubuntis, kaya work muna ako. Kasi sayang din ‘yung work ‘di ba? Nagpa-check naman ako, okay naman daw ako. I don’t have any problems.

“Hindi ko pa kailangan ng IVF or something. Marami pa raw akong napu-produce na eggs or fertile pa ako. Healthy pa raw. Basta okay siya,” pahayag ni Ara.

Very supportive naman daw ang asawa niyang si David Almarinez dahil hinahayaan muna siyang magtrabaho. “Thankful naman ako, kasi hindi naman ako ipinagbabawal ng husband ko mag-work. ‘Pag work, sige go! Ibig sabihin, hindi pa panahon ako mag-baby,” dagdag niyang pahayag.

Parehong gusto raw nila ni David na boy ang magiging baby nila. Kaya nagri-research pala itong si Ara kung paano maging boy ang ipagbubuntis. “Pinag-aaralan ko kung papaano maging boy. Kasi sa mga Chinese Chinese daw… meron nang nagbigay sa akin ng tips. So, ita-try ko kung papano maging boy. Sa Chinese something may ganun… para maging boy siya. Kasi ‘pag naka-boy, kumpleto na ako. Kasi okay na ako kay Mandy e. Sobrang sweet niya,” napapangiting pahayag ni Ara.

Ayaw niya munang sabihin kung ano itong na-research niya dahil gusto rin daw muna niyang subukan. “It’s not a position. It’s a date. Date from your period or something. Pero ayoko muna i-reveal. Ita-try ko muna. ‘Pag effective siya sa akin, I will share it to you, guys,” pakli ng aktres.

Nakatakda nang simulan ni Ara itong pelikulang Litrato na ididirek ni Louie Ignacio.

‘What you see is what you get’ – Paolo sa kanila ni Yen

Kahit anong piga ng ilang reporters kay Paolo Contis tungkol sa kanila ni Yen Santos, wala silang nakuha.

Nakapanayam si Paolo sa first shooting day ng pelikulang Ikaw at Ako na kung saan magsasama uli sila ni Rhian Ramos sa proyektong ito.

Gamay pa niya ang magdidirek na si direk Richie del Carmen dahil nagkasama na raw sila noon pa sa Tabing Ilog.

Totoong-totoo raw ang kuwento ng pelikulang ito, pero natawa lang siya dahil ang nanloko sa relasyon ang karakter na gagampanan niya.

“Ako ang kinuha kasi nanloko ako rito. Ako talaga ang pinili nila!,” bulalas ni Paolo.

May ilang similarities daw sila sa karakter na gagampanan niya rito bilang si Anton. Pero ang kaibahan daw, “Feeling ko lang itong si Anton, mas refined ‘yung pamamaraan niya how to fix things.

“’Yun lang siguro ang masasabi kong difference namin. Marami akong bagay na I hope I dealt with differently, pero hindi mo nagawa.

“You learned from your mistakes, and then make mistakes again, make mistakes again no! Feeling ko ‘yun yung difference ng character namin,” dagdag niyang pahayag.

Nang tinanong si Paolo tungkol sa kanila ni Yen, hindi malinaw ang sagot ng Kapuso actor. “What you see is what you get,” pakli niya.

Hindi naman daw kailangang magpaliwanag pa siya, o kung ano pa ang puwede niyang ibahagi sa publiko. “Ang sa akin lang, maraming mga bagay na para sa akin, ‘yung public should not care about. ‘Yun lang sa akin,” diretsong sagot ni Paolo Contis.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with