^

PSN Showbiz

Indie film na palabas sa sinehan, 1 lang ang nanood!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Feeling VIP ako nang manood ng sine noong isang araw. Ako lang kasing mag-isa ang nanood sa loob ng malaking sinehan iyon.

Pinili namin ang isang pelikulang indie, bilang suporta sana sa kanila, at gusto rin naming makita kung ano nga ang ginawa roon ng isang kakilala namin na nagsabing kasama siya sa pelikula.

Iyon pala isang eksena lang siya, medyo madilim pa ang ilaw sa kanyang puwesto kaya ni hindi mo siya makilala.

Hindi ako natuwa kahit na para kaming VIP, nakapag-alis kami ng face mask, nakakain, kasi mag-isa lang ako sa loob ng sine.

Dapat talaga yata tigilan na ang mga indie, o kaya gawin na lang content sa social media kung ganyan lang namang klaseng mga pelikula na walang nanonood.

Jovit, dinarayo ng mga kaibigan

Tahimik lamang ang unang gabi ng lamay ng yumaong singer na si Jovit Baldivino. Ang burol ay sa kanilang bahay sa Barangay Marilag, Rosario, Batangas. Inaasahan ang pagdagsa ng mga kaibigan ni Jovit, pati ang mga kasamahan niya sa show business at sinabi naman ng pamilya niya na handa sila sa pagdating ng mga tao sa kanilang tahanan.

Sa kanyang burol ay mas napag-usapan na ang buong pangyayari. Alam naman pala ni Jovit ang kalagayan niya. Isang linggo na raw hindi stable ang kanyang blood pressure, umiinom na nga siya ng maintenance medicines para roon, at sinabihan siya ng doctor na huwag magpapagod, iwasan ang mga usok, iwasan din ang stress at huwag na munang kakanta. Pero nakumbida nga siya ng isang kaibigan sa isang event, at doon ay nahilingang kumanta. Bagama’t sa unang kanta pa lang ay halata na sa video na nag-viral na humihingal na siya, pumayag siyang kumanta nang dalawa pa dahil sa ng mga tao.

Pagkatapos noon, nanlalata na siyang naupo, at nakita nilang sumama na ang expression ng kanyang mukha, hirap nang huminga at tumutulo na ang laway, kaya isinugod siya sa emergency room ng pinakamalapit na ospital.

Siguro nga masasabing kung hindi na muna dumalo sa event na iyon si Jovit, at hindi na muna siya kumanta, hindi madadali ang kanyang buhay.

Pero ganoon talaga ang artist eh, basta nahi­lingan ng publiko, nagiging hamon sa kanila ang pagbigyan ang mga iyon.

Matet, ayaw munang makita si Nora

Hindi lang binlock ni Matet de Leon ang umampon sa kanya nang magkaroon sila ng problema at tuluy-tuloy siyang siraan ng followers noon. Sinabi niya ngayon na ayaw na muna niyang makita ang nanay niyang si Nora Aunor.

Sinabi rin naman ni Matet na sa buong panahon ng kabataan niya, ang talagang nag-alaga sa kanya ay ang ate niyang si Lotlot. Pero ngayon nga pati ang ate niyang si Lotlot, at ang kuya niyang si Ian, nadamay pa sa paninira ng bashers.

Nagbanta rin si Matet na kung hindi pa titigil ang trolls sa pamba-bash sa kanila, marami pa siyang ibubulgar na hindi maganda na sana ay hindi na umabot sa ganun.

Sa natatandaan namin, talagang nangyari naman na sina Lotlot at Ian ang nagsikap para sa kanilang mga kinikilalang kapatid, lalo na noong panahong wala sa bansa ang kinikilala nilang ina, dahil sa naging kaso noon sa US. Noong panahong iyon, ang mga bata ay tinutulungan pa ni Kuya Germs (German Moreno).

Isa lang naman ang biological child ni Boyet de Leon sa kanila, si Ian. Ang alam namin kinilala niya nang legal si Lotlot. Hindi namin alam kung may legal papers din si Matet bilang ampon ni Boyet. Pero ang iba pa nilang “kapatid” bagama’t ang ginagamit na apelyido ay De Leon, hindi rin naman adopted legally ni Boyet. Adopted lang sila ng nanay nila.

Pero sana, huwag nang lumala ang sitwasyon. Hindi lang si Matet ang masisira riyan, lalo na si Nora Aunor na kailangang proteksiyonan ang kanyang image bilang national artist.

vuukle comment

CINEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with