^

PSN Showbiz

Alfred natatakot dati sa Met; entertainment industry nalagasan ng 108 sa loob ng isang taon!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Alfred natatakot dati sa Met; entertainment industry nalagasan ng 108 sa loob ng isang taon!
Alfred Vargas

Ang ganda na pala talaga ng Metropolitan Theater pagkatapos nitong i-restore.

Disyembre 10 nang opisyal na muling binuksan ng “Grand Dame” ng Maynila ang mga pintuan nito sa publiko matapos na isinara noong 1996. Pinangunahan ang muling pagbubukas nito ni former NCCA Chairman Arsenio “Nick” Lizaso na sinundan kaagad ng pag-unveil ng marker nito at isang commemorative corner. Si Mr. Rene Escalante ang kasalukuyang chairman ng NCCA.

Mara­ming beses itong plinanong ire-restore noon pero taong 2015 lang ito nasimulan.

 Dinisenyo ito ng mahusay na arkitektong si Juan M. Arellano at Dec. 10, 1931 nang ininagurate ito.

Ang Met ay idineklara na isang National Historical Landmark noong 1973 at isang National Cultural Treasure noong 2010.

Ang gandang pasyalan.

At kasama sa mga first time nakatungtong sa nasabing lugar si former Congressman now Councilor Alfred Vargas na kabilang sa pinarangalan Isah V. Red Award na kinabibilangan din nina Gretchen Barretto, Kris Aquino, Kapuso Foundation and Sagip Kapamilya.

Sa Met ginanap ang 5th Eddys noong Linggo ng gabi.

“It was my first time to enter Met Theatre. I remember nung bata pako tuwing dinadaanan ko yung Met, sinasabi ko na nakakatakot itong building na ito kasi dilapidated at ang dilim. For the longest time it was like that,” unang kuwento ni Coun. Alfred.

“Then suddenly, I had the chance to enter it last night sa Eddys and na shock ako. Ang ganda. Parang nabuhay ulit ang history ng Met. And intricate yung details ng interiors. Para siyang pang Broadway theater sa New York,” aniya pa.

Anyway, ang Isah V. Red Award ay ibinibigay sa mga indibidwal na tulad ni Isah (former editor ng isang kilalang broadsheet at kauna-unahang presidente ng SPEEd) -  “a dynamic and spirited renaissance man with a deep love for God, country and community — who, beyond the realm of entertainment, had so enriched and made a difference in the lives of many, in his most colorful, gregarious and inimitable way” na ginagawa ni Coun. Alfred bilang isang aktor at pulitiko at maging ng ibang tumanggap ng kaparehong award.

Sa MET ginanap noong Linggo ng gabi The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kung saan nga waging Best Actress ang veteran movie icon na si Charo Santos habang Best Actor naman si Christian Bables habang big winner ang On The Job: The Missing 8.

At tulad ng mga nakaraang taon, na­ging highlight  ang pagbibigay ng The 5th EDDYS sa mga movie icons na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador, Roi Vinzon, Alma Moreno, Elizabeth Oropesa, Helen Gamboa, Divina Valencia, at Sharon Cuneta ng parangal.

Sina Phillip, Roi, Alma at Divina lang ang nakarating noong Linggo ng gabi na emosyonal sa natanggap nilang pagkilala.

Hinangaan naman sina Jona, Zephanie, Regine Tolentino, Dance Royalties at ang direktor ng The EDDYS na si Ice Seguerra.

Marami namang pinaiyak ang ‘in memoriam’ na nagsilbing tribute sa mga namayapang bahagi ng entertainment industry.

Sa totoo lang, ang dami pala talagang nawala ngayong pandemya sa nakalipas na isang taon.

Ayon sa research ng SPEEd officer na si Gerry Olea from April 2021 to November 2022 ay umabot sa 108 ang kabuuan ng mga nawalang miyembro ng entertainment industry.

 Samantala, tulad ng mga nakaraang taon, ang auditing firm pa rin nina Juancho Robles (Chan Robles & Company, CPAs) ang mamamahala sa pagbibilang ng mga boto.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa ika-5 edisyon ng The EDDYS:

Best Supporting Actor: Mon Confiado (Arisaka)

Best Supporting Actress: Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8)

Best Sound Design: Corinne de San Jose (On The Job: The Missing 8)

Best Musical Score : Erwin Romulo (On The Job: The Missing; Cesar Francis Concio (Love is Color Blind); Teresa Barrozo (Big Night)

Best Original Theme Song:  Maghihintay (More Than Blue)

Best Visual Effects : Mothership (On The Job: The Missing 8)

Best Editing: Jay Halili (On The Job: The Missing 8)

Best Production Design: Whammy Alcazaren (Kun Maupay Man It Panahon)

Best Cinematography: Neil Derrik Bion (On The Job: The Missing 8)

Best Screenplay: Jun Robles Lana (Big Night)

Best Director: Erik Matti (On The Job: The Missing 8)

Best Actor: Christian Bables

Best Actress: Charo Santos

Best Film: On The Job: The Missing 8

 Posthumous Awardee naman sina Susan Roces at Cherie Gil.

Agad nagpasalamat si Sen. Grace Poe sa pagbibigay ng importansiya sa namayapa niyang ina. “Maraming salamat sa Society of Philippine Entertainment Editors sa pagbibigay ninyo ng parangal sa aking ina sa ika-5 Eddy’s Awards. Sa pag-alala ninyo, nanatili ang pagningning ng Reyna ng Pelikulang Pilipino, Ms. Susan Roces.”

Samantala, Beautéderm Male and Female Faces of the Night naman sina Sean de Guzman and Alexa Miro.

                                                                      

  

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with