^

PSN Showbiz

Teaser ng ABS-CBN 2022 Christmas ID, ipinasilip

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Teaser ng ABS-CBN 2022 Christmas ID, ipinasilip
Sarah Geronimo

Isa pang ipinasilip ang teaser ay ang 2022 ABS-CBN Christmas ID para sa Tayo ang Ligaya ng Isa’t Isa.

Makikita sa teaser para sa lyric video na ipapa­labas sa Nobyembre 11 ang mga Kapamilya star na nagkaisang umawit para sa Tayo ang Ligaya ng Isa’t Isa tulad nina Anne Curtis, Angeline Quinto, Chito Miranda, Eric Santos, Jed Madela, Jolina Magdangal, KZ Tandingan, Martin Nievera, Melai Cantiveros, Morissette, Moira dela Torre, Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, at Zsa Zsa Padilla.

Tampok din sa teaser sina AC Bonifacio, Darren Espanto, Jane de Leon, Janella Salvador, Joshua Garcia, at Kapamilya love teams na sina Francine Diaz at Seth Fedelin (FranSeth), Alexa Ilacad at KD Estrada (KDLex), Donny Pangilinan at Belle Mariano (DonBelle), at Daniel Padilla at Kathryn Bernardo (KathNiel).

Ayon kay ABS-CBN Creative Communications Management head Robert Labayen, na siyang sumulat ng bagong Christmas ID, pasasalamat ang tema ng awitin ngayong taon. “Kahit na marami tayong pinag­daanan, kahit marami tayong bagay na masyadong malaki sa atin na hindi natin ma-control, nandiyan pa rin ang ating mga mahal sa buhay, kaibigan, at kamag-anak. Sila ang pinagmumulan ng ligaya natin,” kwento niya sa isang panayam sa TV Patrol.

Sinabi naman ni Jonathan Manalo, ang composer ng bagong himig, na ‘sobrang tatama sa puso’ ang lyrics nito.

Taun-taon ay inaabangan ang Christmas IDs ng ABS-CBN dahil sa mahalagang mensahe nito, nakakaantig na mga kwento ng mga Pinoy, at ang pagpapadama ng diwa ng Pasko tampok ang iba’t ibang Kapamilya stars.

Walang banggit sa pangalan nina Enrique Gil and Matteo Guidicelli na malakas ang usapang magiging Kapuso na bagama’t biglang itinatanggi ng kani-kanilang kampo.

 

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with