^

PSN Showbiz

Jeric, nagpakita ng husay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Lahat naman natuwa na maganda ang Start-Up PH ni Alden Richards.

Kahit sino naman ang i-partner mo kay Alden bagay, kahit pa nga mukhang tita niya.

Ang ganda ni Yasmien Kurdi at may lalim na ang kanyang acting kaya naman swak na swak ang roles nila ni Alden Richards.

Cute rin si Jeric Gonzales at mukha talagang hindi nagkamali si Joebar sa alaga niya na talagang mahusay sa acting at malakas ang screen pre­sence.

Imposibleng hindi mo mapansin si Jeric na talagang ang husay sa kanyang role. Maganda ang Start-Up PH kaya naman tiyak na maraming nanonood nito.

Congrats, Alden, Yasmien at Jeric.

Mga christmas vacation, nakaplano na agad

Kakainggit naman sina Pat-P Daza at Leo Espinosa.

Ngayon pa lang nakaplano na ang Christmas vacation nila sa Bangkok, Thailand, ha. Never ko pang na-experience mag-Christmas abroad dahil nga sa rami ng happenings ‘pag Pasko sa atin.

Noon hectic pa ang showbiz dahil December ang pinakamalaking filmfest. Kabi-kabila ang parties, kaya imposibleng maging absent ka sa happenings. Ang sarap nga siguro na nasa abroad ka at away from the usual na ginagawa mo ‘pag Pasko.

Saka basta ba kasama mo ang pamilya mo, kahit saan tiyak na happy kayo.

Kaya go lang. Sundin ang ikaliligaya ninyo.

ALDEN RICHARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with