^

PSN Showbiz

‘Dialysis, isang parusa’

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
âDialysis, isang parusaâ
Lolit at mga bagong kaibigan

Talagang bongga ang PR ni Salve. Imagine na ako ang nagda-dialysis pero siya ang ka-chika nila Lenlen at Papa and Mama Bear na regular fixture doon sa dialysis section ng FEU. Talagang tuwing session ko, ang hinahanap nila ay si Salve dahil chika nila. Kaloka.

Dahil nga iritable ako tuwing session ko ng dialysis, wala akong kakilala sa mga ‘classmate’ ko o kasabay na nagpapa-dialysis. Pero mula nang dalawin ako nila Gorgy at Salve, nalaman ko na mga name nila.

Inis kasi ako na para bang ang saya nila habang nasa dialysis room, samantalang ako ay inis na inis dahil apat na oras na nandun ka at sumasakit ang likod at balikat mo dahil sa tagal mong nakaupo.

Para bang tinatanong mo sa sarili mo bakit nag-aaksaya ka ng oras para rito. At lalo akong naiinis pag naririnig ko na meron inaabot ng ilang taon na ginagawa ito, meaning kahit gaano katagal hindi ka pa rin gaga­ling. Parang waste of time, at lalo ako nainis na araw ng birthday nila pero nagda-dialysis siya.

Talagang inilagay ko na sa utak ko na pag birthday, Christmas at New Year kahit anong mangyari never ako pupunta sa session ko. Para bang ang cruel naman, special day pero nanduon ka sa dialysis.

Hay naku, alam ko na importante ang dialysis para sa akin, pero honestly, ito yata ang bagay na kahit sabihin pang para i-prolong ang buhay ng tao, nakakainis gawin. Boring four hours of your life talaga, isang malaking parusa talaga.

Sana naman bigyan na ako ng iba pang way, para matapos na dialysis ko, iyon exciting naman para hindi umandar ang naughty mind ko, or else, meron na naman akong scam na maisip at magulo na naman ang mundo, heaven forbids, hah hah hah, ayaw ni Bea Alonzo, baka masira ang likod ni Alden Richards sa piggy back ride kaya erase iyan sa eksena ng Start Up PH, baliktarin na lang, si Alden na lang sumakay sa likod ni Bea, mas magaan si Alden at kayang-kaya ni Bea, kahit itanong mo pa kay Gerald Anderson. Hahaha.

LOLIT SOLIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with