^

PSN Showbiz

Collab kina Joshua at Gabbi, ayaw pang idetalye!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Collab kina Joshua at Gabbi, ayaw pang idetalye!
Joshua
STAR/ File

Tumanggi munang magkomento si Ms. Lilybeth G. Rasonable ng GMA 7 tungkol sa napapabalitang collaboration ng Kapuso at Kapamilya network na isang teleser­yeng pagbibidahan diumano nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia. Ayaw raw niyang pangunahan sa ngayon.

“I don’t want to comment on that kasi ano… I don’t want to get ahead of anything. But, ano naman e ‘di ba?  We already have initially a collaboration for films ‘di ba? So, anything is possible.

“I mean, nasulat naman about it, ‘di ba? That opened the possibilities. So, why not naman ‘di ba,” pahayag ni Ms. Lilybeth nang nakatsikahan namin sa nakaraang mediacon ng Maria Clara at Ibarra na magsisimula na sa Oct. 3.

Nandiyan din ang posibilidad na pagpapahiram ng Kapamilya actors sa GMA 7. “Which is already happening naman, ‘di ba?,” pakli ni Ms. Lilybeth.

“I mean, may mga ABS talents na nag-a-appear sa GMA. Si Xian (Lim), ‘di ba? And then, ‘yung mga talagang doon na lumaki, like si Dominic Ochoa. Pokwang is with us now, ‘di ba?

“It’s good now that all these things naman can happen,” sabi pa ng Senior Vice President for Entertainment TV.

Samantala, nilinaw rin sa amin na wala pa raw talagang na-finalize pa kay Matteo Guidicelli. Pero open naman daw ang Kapuso network kung okay siyang mag-guest sa ibang prog­rama. Nasimulan na nga ito sa Farm to Table sa GTV. “Si Matteo kasi, he guested in Farm to Table. So, open naman siya. Of course we would like to have other shows with him. Pero, I think nag-uusap pa.”

Wala pa raw napagkasunduan at wala pang nangyaring pirmahan ng kontrata. “Wala pa. But he can guest. He said naman na he’s open to appear in GMA which he has. So, wala namang problema dun,” dagdag niyang pahayag.

Dagdag good news pa pala ay ang announcement na extended uli ang Family Feud ni Dingdong Dantes.

Nung una kasi ay sinabi nilang hanggang December ng taong ito na lang ang top-rated game show na ito.

Pero kinumpirma na rin sa amin ni Ms. Lilybeth na extended na ito at tuluy-tuloy na raw.

Tito, Vic at Joey, sama-sama na sa Net 25!

Sandali rin naming nakatsikahan sa nakaraang presscon ng Net 25 ang Program Consultant nitong si Ms. Wilma Galvante.

Nilinaw niyang isang commercial TV ang Net 25 at hindi ito isang religious network.

Magaganda ang mga programang naka-line up, pero walang halong relihiyon ito, na alam naman nating nasa Iglesia ni Cristo ito.

Pero nanatiling wholesome ito.

Bawal daw ang talagang all-out na pagsasalarawan ng LGBTQIA+, pati ang pagsusugal, inom, ilang bisyo at sex.

Mas gusto naman daw nilang wholesome ito, at ang nakakatuwa raw sa kanilang trabaho, bawal ang sigawan.

Kaya nakikita naman sa mga naka-line up nilang programa na pawang wholesome ang lahat na napapanood.

Marami pang naka-line up na shows na tatampukan ng mas kikilalang celebrities.

Meron daw isang public service show na ihu-host naman ng dating Sen. Tito Sotto? Kung matutuloy ito, kumpleto na talaga sina Tito, Vic (Sotto) and Joey (De Leon) sa Net 25.

vuukle comment

LILYBETH G. RASONABLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with