^

PSN Showbiz

Concert ni Alden sa Amerika, ‘di napuno ang venue!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Concert ni Alden sa Amerika, �di napuno ang venue!
Alden at Sue
STAR/ File

BEVERLY HILLS, CA. – Alam mo, Ateng Salve, sabi sa akin ng isang nanood ng first show ng ForwARd US tour ni Alden Richards, hindi raw siya na-impress sa bilang ng mga nanood no’n.

Hindi raw kasi napuno ang venue. Actually, marami raw bakanteng upuan (halos wala raw tao sa balcony section).

Tsk... tsk... tsk...

Pinadalhan pa nga kami ng pictures and ­videos na maliwanag para makita namin na marami talagang mga bakanteng upuan.

Pero ok naman daw ang performance ng Kapuso actor. Sa video rin na napanood namin, in fairness, mukhang nag-enjoy naman kay Alden ang mga nanood sa San Mateo, California show niya.

Si Sue Ramirez ang special guest ni Alden sa nasabing US tour. Magaling daw ang Kapamilya star at nakakakanta talaga.

Ang San Mateo Performing Arts Center ang venue ng kick-off show ng ForwARd US tour ni Alden.

As you read this, nagaganap naman ang second show ni Alden sa Harrah’s The Events Center sa Valley Center, California. Sana ay ok naman ito.

May ilang mga kaibigan kami na mula sa Los Angeles ay nagpunta pa sa lugar na ‘yon para mapanood si Alden.

Wala kasi sa LA ang ForwARd US tour ng Kapuso actor.

Samantala, may isang nakachikahan naman kami na nagkuwento na ‘yung Chicago, Illinois show raw ni Alden on Sept. 10 ay maganda raw ang benta ng tickets.

On Sept. 11 naman ang last show nina Alden at Sue sa Jacksonville, Florida.

Aktres na hiwalay sa asawa, inilantad na ang dyowang aktor na ex ng premyadong aktres

Pinost ng isang not-so-active actress ang picture nila ng isang not-so-active actor na ex-dyowa ng isang premyadong aktres.

Maganda ang caption ni not-so-active actress sa picture nila ni not-so-active actor.

Talagang sinabi ni girl kung gaano niya kamahal si boy.

Si not-so-active actress ay hiwalay sa kanyang mister at kilala rin siya bilang anak ng isang veteran actress.

Sabi ng isang friend namin, “At least, mukhang masaya siya sa kanyang love life at very open siya.”

In fairness nga pala kay not-so-active actress, ang ganda pa rin niya. Sana nga ay magkaroon uli siya ng acting projects dahil katulad naman ng nanay niyang veteran actress ay magaling din siyang umarte.

‘Yun na!

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with