^

PSN Showbiz

Matteo, nagpaliwanag sa biro

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Matteo, nagpaliwanag sa biro
Matteo
STAR/ File

Cute ni Matteo Guidicelli ‘pag nagpapaliwanag, Salve. Talagang sinasabi niya talaga ang feeling niya, like ‘yung mga biruan nila sa Lunch Out Loud (LOL). Talagang kung ano ang usapan nilang magkagrupo inilabas niya. ‘Yung hindi tumupad, kino-call niya ang attention.

Tama naman ang request niya na huwag nang magbiro tungkol sa mga ex dahil may kanya-kanya na silang buhay may asawa. Pangit naman talaga na mag-joke sa mga taong nananahimik na. Very gentleman talaga si Matteo kaya naman dapat lang gawin nila ang request niya.

Siguro naman, kahit wala ang jokes na ganun, ok pa rin, aandar ang LOL.

Pagtulong, may kasamang pagmamahal

Alam mo ba, Salve, na sina Avec Amarillo at Anna Mae Lamentillo, dalawa sa lagi ay mabilis na magpadala ng tulong. Kaya naman talagang laki ng pasalamat ko sa kanila.

Isa pa na hindi ko malimutan ay si Joey Santos ng House of Obagi. Talagang hindi siya nagpapigil sa pagpapadala ng inaakala niyang puwede kong gamitin sa medical situation ko ngayon.

Talagang feel na feel ko ang kindness nila. Naku hindi ako magtataka kung bakit laging winner ang Villar, kung bakit number 1 ang House of Obagi. Kasi hindi lang naman business ang lahat, may kasama ring puso iyan, pagmamahal.

Kaya promise, habambuhay, ang ginawa nila hinding-hindi ko malilimutan. Forever in my heart.

LOL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with