^

PSN Showbiz

Jerome Ponce na bida ng katips, pinagmalaking nanood ng kalabang maid...

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Jerome Ponce na bida ng katips, pinagmalaking nanood ng kalabang maid...
Jerome Ponce at Sachzna
STAR/ File

Pinasalamatan ng director ng Maid in Malacañang na si Darryl Yap ang aktor na si Jerome Ponce at Sachzna Laparan na nanood ng kanyang movie. Sa post ni Yap, kapwa kasama sa movie ng pelikulang Katips ang dalawa na kalaban ng MIM.

Siyempre, nabuwisit ang ilang netizens sa ginawa ni Jerome at kasama niya. Hindi na nga siya dumalo sa presscon ng Katips at walang effort tulungan ang movie, tapos, heto at panonoorin ang kalaban nilang movie.

Mabuti na lang at maunawain ang actor-director-lawyer-producer ng Katips na si Atty. Vince Tanada na hinayaan ang ginawa nina Jerome at Sachzna, huh!

Pinakaapektado!

Pinakaapektado si Sharon Cuneta sa mga kaibigan at nakatrabaho ng pumanaw na award-winning actress na si Cherie Gil.

Mahaba ang post ni Sharon sa kanyang social media account nang malaman na namatay na ang kaibigan. Agad siyang lumipad ng New York para makasama ang kaibigan at kumare.

Iconic kasi ang pelikulang pinagsamahan nina Sharon at Cherie, ang Bituing Walang Ningning. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa isipan ng mga tao ang binitawang linya ni Cherie sa movie.

Marami ring artistang nakasama ni Cherie ang nagpahayag ng kalungkutan sa pagpanaw ng aktres gaya ni Konsehal Alfred Vargas na nakasama niya sa last GMA series niyang The Legal Wives, at si Matteo Guidiceli na nakasama niya sa trabaho.

Mami-miss ng lahat ang husay ni Cherie.

Taos-puso kaming nakikiramay sa mga naiwan niyang kapamilya.                                                                              

JEROME PONCE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with