^

PSN Showbiz

Pokwang, K Brosas nadisgrasya sinasakyang kotse sa Amerika

Philstar.com
Pokwang, K Brosas nadisgrasya sinasakyang kotse sa Amerika
Litrato ng sinasakyan nina Pokwang at K Brosas matapos masangkot sa isang car crash sa Dallas, Texas sa Estados Unidos
Mula sa Twitter account ni K Brosas

MANILA, Philippines — Nasangkot sa isang car crash ang mga komdeyanang sina K Brosas at Pokwang sa Dallas, Texas nito lamang mga nagdaang araw.

Pagbabahagi ni Brosas, kasalukuyan na silang nasa ligtas na kalagayan.

“So na car accident kami kanina, thank You lord at safe naman kami, ako lang ang may minor cut at may konting bruises. Naloka ako sa bilis ng pagdating ng ambulance firetrucks etc.,” tweet ni Brosas nitong Lunes.

“Na-check naman ako at ok lang, mabuti malaki yung pickup truck kung saan kami nakasakay."

Ani ng komedyana, sa side niya ang mayroong pinakamalakas na impact, dahilan para makatamo siya ng pinsala sa katawan.

"[S]a side ko talaga impact kaya ako lang ang mejo na injure ng burberry light lang malayo sa bituka hehe.. still thank you lord talaga.. ok pa rin naman ako at kaming lahat," wika niya nang may kalakip na litrato kung saan makikita ang isang sasakyan na tila sumalpok sa isa pang sasakyan. 

Kasalukuyang nasa Texas ang dalawang komedyana para sa kanilang dalawang linggong concert tour na pinamagatang “BFF: Music and Laughter.” — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

CAR CRASH

DALLAS

K BROSAS

POKWANG

ROAD SAFETY

TEXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with