^

PSN Showbiz

Anak ni Sharon Cuneta nagpakilalang LGBTQ member ngayong Pride Month

Philstar.com
Anak ni Sharon Cuneta nagpakilalang LGBTQ member ngayong Pride Month
Litrato ni Miel Pangilinan, anak nina Sharon Cuneta at outgoing Sen. Francis Pangilinan, habang hawak ang isang rainbow flag na isa sa mga simbolo ng LGBTQ community
Mula sa Instagram account ni Miel Pangilinan

MANILA, Philippines — Nagpakilala na bilang queer ang bunso ni "mega star" Sharon Cuneta at Sen. Francis Pangilinan na si Miel, dahilan para ipagdiwang niya sa unang pagkakataon openly ang Pride Month bilang bahagi ng LGBTQ community.

"[T]his [J]une, [I] am celebrating my first pride month as openly and publicly queer," wika ng 17-anyos sa isang Instagram post, Martes.

"[I] really can’t figure out the words to say right now. It’s a really emotional and freeing time right now, and [I]’m endlessly thankful to my close friends and family who have supported me and shown me love as [I]’ve grown and explored my own gender and sexual identity."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by miel (@mielpangilinan)

Ayon kay Miel, "cathartic" at masarap sa pakiramdam na ibahagi sa mundo ang tunay na siya, lalo na't matagal na raw siyang nangangamba patungkol sa kanyang identity simula noong paslit pa.

Kumportable na raw siya ngayon sa kung sino siya, sino ang mamahalin at kung paano iprepresenta ang sarili sa mundo.

Ipinagpapasalamat na lang din daw ni Miel na ligtas niyang maipagdiriwang ang kanyang identity ngayong 2022 lalo na't marami pang bubunuin ng Pilipinas bago maabot ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.

"[I]’ve also got a lot to learn and understand as a newer member of the filipino queer community, and [I]’m trying my best to educate myself on current situations and present issues relating to gender equality and LGBTQ+ rights in our country, and [I] am always open to learn as much as [I] can especially from other figures in our community,"

"[H]appiest and safest of pride months, allies and members of the queer community alike." 

Nagpakita naman ng suporta sa kanya ang kapatid na sina Frankie, KC Concepcion, pati na ang mga pinsang sina Kiana Valenciano at Gab Pangilinan.

Ilan pa sa mga natuwa sa katapangan ni Miel ang ilang showbiz personalities gaya nina Judy Ann Santos.

"[G]irlfriend boyfriend nonbinaryfriend idc. they will all be getting a good n tough roundhouse kick from me," ani Frankie.

Sabi naman ni KC: "Congratulations. I’m so proud of you! I love you sister. I’m always going to be here for you as your ate no matter what. Happy pride." — James Relativo

BISEXUAL

FRANCIS PANGILINAN

FRANKIE PANGILINAN

GAY

KC CONCEPCION

LESBIAN

MIEL PANGILINAN

PRIDE MONTH

QUEER

SHARON CUNETA

TRANSGENDER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with