^

PSN Showbiz

Janno Gibbs nawalan ng 4,000 IG followers 'dahil sa pagiging Kakampink'

Philstar.com
Janno Gibbs nawalan ng 4,000 IG followers 'dahil sa pagiging Kakampink'
Makikitang nagtatanghal ang aktor at mang-aawit na si Janno Gibbs sa campaign rally ni presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo sa Baguio City, ika-1 ng Mayo, 2022
The STAR/Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Talamak ngayong eleksyong 2022 ang pag-a-unfriend sa pagitan ng mga magkakapamilya't magkakaibigan habang tumitindi ang mga debateng pulitikal — at hindi nakaligtas ang ilang celebrities diyan sa ngalan ng prinsipyo.

Ito ang inilahad ng aktor at komedyanteng si Janno Gibbs, Miyerkules, na kilalang tagasuporta ng presidential candidate na si Bise Presidente Leni Robredo.

"Simula kagabi, 4k followers na ang nawala sa akin. Dahil sa mga personal kong pananaw sa politika," ani Janno kanina sa Instagram.

"Don't worry... about those, they don't matter."

Kagabi lang nang paringgan ni Janno ang mga tagasuporta ni presidential frontrunner Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na siyang nangunguna sa partial and unofficial tally ng Commission on Elections (Comelec), lalo na't lagi raw sinasabihan ang mga "Kakampink" (tawag sa mga Robredo supporters) na huwag maging bitter at tanggapin na lang ang tinatakbo ng resulta ng halalan.

"Nung matalo si BBM as VP [ni Robredo noong 2016]. Nagmove on ba [kayo]? Tinanggap ba niyo? Hindi. Nagprotesta at nagparecount ng 3X. Talo parin," sabi niya sa isang paskil nitong Martes. 

"So hayaan niyo kaming maging bitter. Kung nabaliktad ang resulta, pihado bitter din kayo. Let us grieve."

Nakaraang buwan lang nang ilabas ni Janno ang isang viral Youtube video kung saan isinisiwalat niya ang ilang isyu tungkol sa isang presidential candidate na "peke ang diploma, hindi humaharap sa debate"  atbp. — ito habang umaarte na animo'y siya ang nabanggit. Sa pananaw nang marami, si Bongbong ang kanyang tinutukoy.

 

 

Sa kabila nito, wala namang pinagsisisihan ang aktor at mang-aawit sa masugid niyang pagsuporta sa pambato ng oposisyon. Aniya, karangalan pa nga raw ito para sa kanya.

"Mam Leni, Isang karangalan po ang minsa'y haranahin kayo at mapangiti," dagdag pa ng singer-actor.

"Nakaukit napo yon sa aking puso't isipan. Mabuhay po kayo! Muli, kinilig ako ng slight."

— James Relativo

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

JANNO GIBBS

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with