^

PSN Showbiz

Daniel, hindi gf ang turing kay Kathryn ‘pag nasa trabaho

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daniel, hindi gf ang turing kay Kathryn �pag nasa trabaho
Daniel
STAR/ File

Sa nakalipas na isang dekada ay patuloy na sinusuportahan ng mga tagahanga ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Maraming proyekto ng dalawa ang pumatok sa telebisyon man o pelikula.

Para kay Daniel ay malaking bagay na mayroon silang chemistry ni Kathryn upang tangkilikin ng mga manonood ang lahat ng kanilang mga ginagawa. “Meron kasing magic sa totoong pagmamahal. Pagdating sa set namin ay automatic naman din. Hindi ko tinitingnan si Kathryn na girlfriend ko siya. Pagdating do’n, in character ka din naman talaga. Automatically, kapag nagkakaeksena kaming dalawa eh hindi ko naman siya tinitingnan bilang girlfriend ko, as Kathryn. Tini­tingnan ko siya bilang character niya at ako bilang character ko doon. Kapag napansin ng director na hindi maganda eh talagang susuwayin niya at sasabihin niya, ulitin namin at gagawin naman namin. Sa tagal din naming magkatrabaho, alam din naman namin tanggalin ‘yung pagiging kami sa personal naming mga buhay at ipakita namin ‘yung dapat na ipalabas sa mga character namin,” paglalahad ni Daniel.

Sa susunod na buwan ay mapapanood muli ang magkasintahan sa seryeng 2 Good 2 Be True. Ayon kay Daniel ay talagang pinaghandaan nilang mabuti ng aktres ang bagong proyekto para sa kanilang mga tagahanga. “Unang-una sa dami ng ginawa namin ni Kathryn, ano nga ba ang pwede naming ibigay na bago, ‘di ba? I think mas marami kasi kaming nagawa na rom-com films. ‘Yung isang ginawa namin na rom-com is Got 2 Believe, so pangalawa pa lamang na rom-com series ito. So ang daming pwede pang abangan na bago. Siyempre iba naman ‘yung kwento, iba naman ‘yung characters namin ni Kathryn dito and first time din namin ni direk Mae (Cruz-Alviar) na magserye from simula hanggang dulo. Ang dami pa naming pwedeng i-offer na bago dito. At the same time, kasama din ‘yung casting ng aming show. Malaking bagay din ‘yon,” pagbabahagi ng aktor.

Zanjoe, tinatawag na ‘manloloko’

Painit nang painit ang mga eksena sa The Broken Marriage Vow na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez at Zanjoe Marudo. Ginagampanan ng aktor ang karakter ni David na nangaliwa sa kanyang asawa. Ayon kay Zanjoe ay maraming pagkakataon na sinisigawan siya ng mga tao kapag nakikita sa mga pampublikong lugar. “Ang reaksyon ng tao kapag nakikita nila ako, nandoon pa rin ‘yung kita mo sa mga mata nila ‘yung gigil, ‘yung inis. Pero siyempre alam naman nila na trabaho lang ‘yon, na karakter lang ‘yon. Ayun, sumisigaw sila, may naririnig ako na, ‘Hoy! Manloloko ka! Hoy! Sinungaling ka!’ pero nakakatuwa na kahit saan ako magpunta ay mayroong nanonood ng The Broken Marriage Vow,” kwento ni Zanjoe.

Ayon sa aktor ay talagang kaabang-abang ang lahat ng eksenang kanilang ginagawa para sa naturang serye. “Dito pa lang magsisimula ‘yung gulo na kasama si Gio. Apektado si Gio, ang pinakanaapektuhan sa lahat nang ginawa ni David. So abangan pa nila dahil marami pang pagkakataon na magbabanggaan ang karakter ni David at Dr. Jill (karakter ni Jodi),” pahayag ng binata.

(Reports from JCC)

vuukle comment

DANIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with