^

PSN Showbiz

Lian Paz at John Cabahug, tagumpay ang negosyong Malunggay Juice

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lian Paz at John Cabahug, tagumpay ang negosyong Malunggay Juice
Lian Paz.

Kaka-touch naman si Liaz Paz.

Nabasa lang niya ang post ko sa social media na 36th anniversary ng Pilipino Star NGAYON, nag-chat agad siya para mag-congratulate.

Magpapadala raw siya ng Vdrink Malunggay Juice, ang negosyo nila ng partner niyang John Cahabug.

Bongga, pagdating ng VDrink sa opisina namin, para sa lahat. As in kahon-kahon.

Healthy drink ang VDrink Malunggay na ayon sa kuwento ni Lian ay isang doctor (surgeon) ang nag-suggest noon na gumawa ng ready to drink moringa ang ama ni John na isang chemical engineer.

Hanggang pina-try na raw nila ito sa mga patient ni doc.

Na para sa doctor lang nung umpisa pero nakita raw ni John ang potential ng malunggay / moringa kaya kinausap nito ang kanyang ama na magbenta sila.

At ‘yun na ang simula ng VDrink.

Nag-umpisa ito noong 2016 kung saan sila kumuha ng mga kailangang dokumento para magkapag-umpisa sila.

Ayon pa sa kuwento ni Liaz, ginamit nila ang social media platforms to test the water kumbaga, kung bebenta ito nationwide.

Maganda raw at positive ang mga feedback mula sa customers and resellers na karamihan ay mga mommy.

At doon na nag-umpisa ang lahat lalo na nga at ‘yun talaga ang gusto nila ni John, ang makatulong sa mommy community kahit nasa bahay lang sila at nag-aalaga sa mga anak kasi nga dahil ang dali na ngayong mag-deliver lalo na nga at maraming nag-work from home at nawalan ng hanap-buhay sa papatapos na pandemya.

“So they are so grateful sa opportunity na mayroon from vdrink kasi talagang bonggang discount meron sila para malaki ang kita nila. John is more into helping people kaya siguro na-bless ang business kasi we don’t think of it as money makers lang. May purpose and yun yung nakastay sa amin for vdrink until today.

“Pagod at puyat kasi we started it together na kami lang and now our team is growing, business is growing so more opportunity din to help. Si God na ang bahala,” chat pa ni Lian na kuntento at happy sa kanilang buhay ni John sa Cebu kasama ang kanilang mga anak kabilang ang dalawang anak nila ng ex niyang si Paolo Contis na sina Xonia and Xalene na mga teenager na. Meron din silang daughter ni John, Niña Angela at may daughter din si John sa previous relationship niya, Maria Alexandra.

Inalok na si Lian ng kasal ni John pero hindi natatapos ang annulment nila ni Paolo na ngayon ay balitang seryosohan na ang relasyon kay Yen Santos.

 

vuukle comment

LIAN PAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with