Wilma Doesnt, kinasal matapos ang mahabang laban sa lovelife

Hindi nagpatalbog ang komedyanang si Wilma Doesnt.

Ikinasal na rin siya pagkatapos ng mahaba-habang laban sa lovelife sa karelasyon niyang si Gerick Parin.

May tatlong anak si Wilma na iba-iba ang ama.

“Happy friday!!!!oh diba!!!finally!!!may maganda na kaming picture together na hindi ako basa!!!may mailalagay na ako sa wallet ko!!!15yrs ang hinintay ko para sa pic na ito noh!!!!!salamat sa lahat ng tumulong sa amin,” post ni Wilma pagkatapos ng kanilang pre-nup pictorial a month ago.

Ang saya-saya raw ng nasabing kasalan ayon sa mga bisitang nag-upload sa social media dahil nakakaiyak at nakakatawa dahil dama nila ang matinding pagmamahalan ng ikinasal.

Kilala ring ramp model si Wilma kaya ang ganda ng suot niyang wedding gown na gawa ni Randy Ortiz.

Show comments