^

PSN Showbiz

Alden, puwede nang palitan si Derek Ramsay!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Alden, puwede nang palitan si Derek Ramsay!
Alden
STAR/ File

Kalat na kalat sa social media at ilang araw na ngang pinag-uusapan ang picture ni Alden Richards na nakasuot ng sexy shorts.

At natural na reaction dahil ngayon nga lang nakita ng fans na ganoon ka-sexy si Alden simula nang sumikat siya.

Noon may lumalabas pang ilang pictures niyang nakasuot ng swimming trunks nang sumasali pa siya sa mga male persona­lity contests sa Laguna, pero nawala na ang mga iyon. Sigu­ro ipinaalis nila sa websites na unang nag-upload para mapa­natili ang kanyang sini­mulang wholesome image.

Minsan lumilitaw pa rin dahil may nagse-share pa ring siguro nakapag-save noong araw.

At ang lumabas ngayon, pictorial daw iyan para sa kanyang endorsement ng de latang isda.

Walang controversy sa pictures ni Alden. Walang sinasabing daya.

Kung natatandaan ninyo ilang taon na ang nakararaan may isang bikini model na nag-claim na katawan niya ang ginamit sa pictorial ni James Reid sa endorsement din ng nasabing de latang isda.

Eh talaga namang pinaghirapan ni Alden na mapaganda ang katawan niya. Nakikita naman ang mga video pa niya sa loob ng gym.

Kailangan naman talaga ang body toning para umabot sa ganyan ang katawan, hindi lang sa pagkain ng de latang isdang ‘yan.

Isa pa, nasa tamang edad na rin naman si Alden. Isipin ninyo trenta na siya sa ngayon. Kung tutuusin iyan ang edad na dapat na siyang magsimula sa mga adult role.

Iyong sumunod na level ng mga leading man ay malaki na ang agwat ng edad sa kanila, at tipong si Alden dahil nga na maganda naman ang tanggap ng mga tao sa kanyang sexy pictures ngayon kaya maaari na talaga siyang pumasok sa matured roles.

Medyo may edad na rin naman at parang retired na rin si Derek Ramsay. Si Richard Gomez naman lalong hindi na puwede. Gagawa pa ba ng pelikula ang future congressman?

Si Gabby Concepcion naman ay natatali sa TV dahil maganda ang following ng kanyang mga serye.

Isipin ninyo siya ngayon ang nasa top ng lahat ng serye.

Baka sa susunod na pelikula ni Alden dapat na nga siyang gumanap sa isang matured role at baka diyan siya maka-score nang husto.

Pag-iingay ni Nadia, naging epektibo

Mabilis ang kilos ng pulisya sa kaso ng ermat ni Nadia Montenegro. May isang tao na nagtungo sa himpilan ng pulisya at nagpakilalang isa raw siyang witness sa nangyari sa membership supermarket kung saan nadukutan ang ermat ni Nadia, pero nang malaunan nalaman ng pulisya na ang lalaking iyon ang siya palang driver ng getaway vehicle ng mga magnanakaw, ibig sabihin kasama siya sa suspects.

Aywan kung nakatulong nga siya pero pagkatapos noon nakilala rin ang dalawa pang suspects na pinagha­hanap na ngayon ng pulisya.

Kung hindi nag-ingay si Nadia, at alam din naman natin ang connections niya, dating partner iyan ng isang dating mayor sa Caloocan, ganyan din kaya kabilis ang development ng kaso?

Hindi kaya manaig din ang interest ng membership supermarket na manahimik na lang para mapanatili ang kanilang magandang image?

Marami talagang bagay na itinatago alang-alang sa image ng mga negosyo. Pero kung itatago lahat nang iyan, papaano nga ba mapipigil nang husto ang mga krimen. Lumalakas ang loob ng mga magnanakaw dahil alam nila may establishments na pinagtatakpan ang kanilang kalokohan.

Direktor, inaayawan ng mga dating karelasyon

Aywan kung bakit ang mga kuwento, si direk daw ay iniiwasan ng dati niyang syotang “Mamang Pulis.” Ilang taon din naman daw inalagaan ni direk ang pulis noong bata pa iyon at wala pa ngang trabaho.

Mukhang nakatulong pa si direk sa pag-aaral ni Mamang Pulis, pero siyempre alam naman ninyo kung bakit.

Pero ngayon, aywan kung ano ang nangyari at ang sinasabi raw ng Mamang Pulis, “sasama na ako sa ibang bading kaysa balikan ko siya.”

Ano kaya ang dahilan at ayaw na niya kay direk? Ang sabi pa ng aming source, marami naman daw “tinulungan” si direk noong araw, pero nakapagtataka nga kung bakit ayaw na ayaw makipagbalikan sa kanya ng mga dati niyang naging syota?

Dahil kaya sa kakaibang ugali ni Direk?

ALDEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with