^

PSN Showbiz

Kapamilya singers, nagkapit-bisig muli by request

Pilipino Star Ngayon

2 Nagbalik ang Kapamilya singers sa gabi-gabing pag-awit para makatulong sa mga sinalanta ng Bagyong Odette sa By Request 2 benefit concert series na bahagi ng 100 araw na kampanyang Tulong-Tulong sa Pag-Ahon: Isang Daan sa Pagtutulungan ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation.

Kabilang sa mga sumalang na sa ikalawang edisyon ng By Request, na may layunin ngayong makapaghatid ng house repair kits sa mga sinalantang pamilya, sina Asia’s Songbird Regine Velasquez at ang PBB Kumunity Season 10 Top 2 celebrity housemate na si Anji Salvacion.

Kwento ni Regine, na ang ina ay taga-Leyte na isa sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Odette, nahirapan ang ilang pamilya roon na mapagawa muli ang kanilang mga bahay.

“’Di ba taga-Leyte rin ‘yung nanay ko? Appa­rently kasi ‘yung ibang businesses talagang naapektuhan din so they can’t even buy materials para kumpunihin ang kanilang mga bahay even if they have the money. That’s the problem,” kwento niya.

“Let’s do this together. Kahit anong donasyon makatutulong sa kanila sa pag-ahon at pagbuo muli ng kanilang mga tahanan. Ibahagi natin ang malasakit at pag-asa sa kanila,” panawagan pa niya sa mga Kapamilya.

Samantala, si Anji, na ang pamilya niya ay naapektuhan din sa Siargao, ay lubos na nagpasalamat sa mga nagbigay ng donasyon.

“Sobra kayong nakaka-inspire. Saludo po ako sa sobrang laki ng puso ninyo at sa pagmamahal po ninyo sa pagtulong sa ating mga Kapamilya na naapektuhan ng bagyong Odette,” saad ni Anji.

Sinimulan ni Yeng Constantino ang By Request 2 noong Pebrero 18 (Biyernes) kung saan inawit niya ang kanyang trending hit na B.A.B.A.Y.  at ilan pang request ng online Kapamilya viewers.

Sa kabuuan, umabot na sa higit P95.13 milyon ang cash donation na natanggap ng ABS-CBN Foundation noong Pebrero 22 habang nagkakahalaga naman ng P16.35 milyon ang in-kind donations. Nakapaghatid na rin ng food packs sa 203,110 na pamilya at house repair kits sa 330 na pamilya.

Mapapasayaw ka sa premyong hatid ng Kapuso Bigay Premyo Panalo Season 3!

GMA, pinag-iingat sa text scam ang mga gustong manalo sa ‘premyo...’

Mamimigay na ng papremyo ang Kapuso Bigay Premyo Panalo Season 3 ng GMA Network! Ito ang unang beses na maglulunsad ng promo ang GMA sa mga unang buwan ng taon.

Mapapaindak ka sa new music video na nagtatampok ng representatives mula sa member schools ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Simula Feb. 26, ipagpapatuloy ng promo ang pagbibigay ng tulong at pag-asa sa maraming Pilipino sa pamimigay ng mahigit PHP 8 million worth of prizes sa loob ng 10 weeks! Higit 2,000 ang maaaring manalo ng daily cash prizes, weekly pangkabuhayan at sari-sari store paninda cash packages, at brand new house and lot mula sa Camella sa grand draw!

Maaari ring bisitahin ang www.gmanetwork.com/GMAPromos para sa kumpletong listahan ng details sa pagsali, winners, detailed mechanics, at iba pang promo updates.

Pinapaalalahanan nila ang publiko na maging maingat sa scam texts na ginagamit ang pangalan ng GMA Network, GMA Promos, or Kapuso Bigay Premyo Panalo para humingi ng pera. Lahat ng mananalo sa promo ay tatawagan daw at ino-notify ng GMA Representatives gamit ang official numbers. Pinaalala nilang hindi hihingi ng pera o anumang kapalit ang GMA para makuha ang prizes.

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with