^

PSN Showbiz

Bea at Dominic, kilos mag-asawa na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bea at Dominic, kilos mag-asawa na!
Dominic at Bea
STAR/ File

Parang kung titingnan mo ang photos nina Bea Alonzo at Dominic Roque, talagang makikita mo na parang mas­yado na silang intimate. Parang kilos mag-asawa na ang mga posting nila na hindi mo nakita noon sa ibang nakarelasyon ni Bea.

Mukhang dito kay Dominic Roque talagang very open siya, iba ‘yung body language at para bang wala namang dapat itago. Kaya duda tuloy ang iba na para bang ipinapakita lang kay Gerald Anderson ang sweetness nila ni Dominic.

Sinasabi tuloy na para bang on the rebound lang ang lahat.

Para nga naman ka­sing napakasakit sa isang babae na tulad ni Bea ang ma-ghosting at ipagpalit sa mas batang Julia Barretto. Pero sana naman hindi totoo, at tunay na pagmamahal ang namamagitan between Bea and Dominic, between Gerald and Julia.

Mas maganda nang in love sila, dahil mas masaya.

Saka maganda silang pareha, bagay. Both pairs should be happy, at sana forever.

Mr. M, tutok sa Sparkle

Maganda ang pagpapakilala ng Sparkle ni direk Johnny Manahan sa talents ng GMA 7. Very glossy ang video at ang ganda ng production ng presentation ng talents ng Sparkle.

Mukha ngang nakatutok sa kanila ang mga mata ni direk Johnny dahil lahat nabago pati ang mga kilos nila.

Image building talaga kaya mataas ang expectation ngayon sa talents ng Sparkle.

Malaking plus factor na nasa GMA 7 na si direk Johnny dahil talagang maaasahan mo ang mga pagbabago sa talent center.

Hintayin natin ang mas bongga pang launching ng Sparkle para lalong makita ang malaking pagbabago.

BEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with