^

PSN Showbiz

Gabby at Sharon, may issue sa billing ‘pag natuloy ang pelikula?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Bagama’t parang dry ang kanilang naging si­mula, unti-unti ngang nabago ang takbo ng kuwento ng serye nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion. Kagaya ng inaasahan, dahil din sa title ng serye, ang mas lumulutang ang role ay ang kay Sanya, na natural naman dahil siya ang title role.

Pero ang nakakatawag ng pansin ay iyong kanilang sinabing extended na ang serye ng six weeks, o kalaha­ting season. Siguro nga sasabihin ng iba na mas mahaba pa rin ang itinakbo ng kanilang kalaban na kung ilang taon na. Kung iisipin din naman, mara­ming malalaking artista sa kalaban nilang show, kabilang na si Sharon Cuneta, samantalang sa kabila ang talagang stars ay sina Sanya at Gabby lang.

Ang mas matindi, kahit na nga sabihing idinagdag pa nila si Sharon sa show ni Coco Martin, mas mataas ang ratings ng show nina Sanya at Gabby, kahit na may combined ratings ang kanilang katapat na palabas na sabay-sabay na ipinalalabas sa A2Z, TV5, at iyong kanilang Kapamilya Channel.

Nabanggit namin iyan, dahil tiyak na magkakaroon ng bearing kung muling pagsamahin sa isang project sina Sharon at Gabby.

Noon laging nauuna sa billing si Sharon dahil mas sikat siya sa paniwala ng karamihan, pero papaano ngayong ang seryeng kasama siya ay tinatalo ng serye ni Gabby?

Dennis, may pag-asa pang makalaya?!

Noong isang araw, napagkuwentuhan namin ang kaso ni Dennis Da Silva na nakakulong pa rin hanggang ngayon na nahatulan ng reclusion perpetua, o habambuhay na pagkakakulong dahil sa bintang na ni-rape niya noon ang anak na babae ng kanyang live-in partner.

Iyong bata ay 14 years old lang noon, at natural nakialam ang DSWD sa kaso.

Ngayon lumalabas ang biktima na kinilalang si Kadean Paz, at sinasabing hindi naman nagkaroon ng rape dahil totoong magsyota rin sila, kaya nga siya nabuntis at ngayon ay may anak sila ni Dennis na teenager na.

Ang sinasabi ni Kadean, hindi raw totoo ang testimonya niya noon at tinakot lang siya kaya siya napilitang sumaksi at magdemanda laban kay Dennis.

Ang kasong iyan, sa hu­ling nari­nig namin ay nakaapela pa sa Court of Appeals, at hindi namin alam kung ano ang magiging bigat ng pag-amin ngayon ni Kadean na wala ngang rape.

May mga legal minds na nagsasabing dapat sumulat si Kadean sa presidente ng Pilipinas na palagay namin dapat na niyang hintayin kung sino ang mananalo sa Mayo, magbigay siya ng statement at hilinging bigyan ng pardon si Dennis.

Pero may mga nagsasabi naman na ang hatol kay Dennis na reclusion perpetua, bagama’t final na ay maaari pa ring i-appeal dahil iyan ay mabigat na hatol at subject to review.

Ano man ang kalabasan, sana nga ay maila­gay nila sa tama ang lahat dahil masyado nga namang unfair iyon para kay Dennis na dalawang dekada nang nakakulong, kung wala naman siyang kasalanan, at lalo pang unfair kung mananatili siya sa kulungan nang habambuhay.

BL star, sumayaw na hubo’t hubad kapalit ng P50k

Star of the party ang isang BL star, nang kunin siyang guest sa isang private party at pinasayaw na ang suot ay transparent underwear sa isang round table. Enjoy naman daw ang mga nanonood na puro gays.

Ok naman daw sa BL star dahil binayaran siya ng P50K, na mas malaki kaysa sa bayad sa kanya sa lahat ng BL movie na ginawa niya.

vuukle comment

GABBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with