^

PSN Showbiz

Vice Ganda, Ion Perez ipinasilip kanilang kasal sa Las Vegas

James Relativo - Philstar.com
Vice Ganda, Ion Perez ipinasilip kanilang kasal sa Las Vegas
Makikita sa litratong ito ang bagong kasal na sina Vice Ganda at Ion Perez habang ipinakikita ang kanilang wedding rings.
Video grab mula sa Youtube channel ni Vice Ganda

MANILA, Philippines — Napa-sana all ang maraming fans sa pasabog ng komedyanteng si Vice Ganda matapos niyang ilantad isang araw bago ang Valentine's Day ang kasal niya sa nobyong si Ion Perez — bagay na Oktubre 2021 pa talaga nangyari.

Sa isang Youtube vlog na pinamagatang "What Really Happened In Las Vegas," ipinaskil ni Vice nitong ika-13 ng Pebrero ang latest development sa relasyon nila ni Ion, bagay na nangyari sa Little Vegas Chapel.

"Buong-buo ‘yung loob ko na makasama ka. Wala akong masabi basta mahal na mahal kita, Tuy. I love you," banggit ni Ion sa kanyang kabiyak.

 

 

Ang same-sex marriage ay ligal sa American state ng Nevada, kung saan matatagpuan ang Lungsod ng Las Vegas.

Matatandaang Oktubre 2019 nang isapubliko nina Vice at Ion ang kanilang relasyon.

"Ang saya-saya ko na ikaw ‘yung kasama ko ngayon, ikaw ‘yung kasama ko kahapon at ikaw ‘yung alam kong makakasama ko pa rin bukas at sa mga susunod pang mga araw," sambit naman ni Vice sa kanyang mister.

"I promise na mag-iipon pa ako ng maraming-marami pang pagmamahal sa puso ko para makaya ko pang mahalin ‘yung sarili ko, makaya ko pang mahalin ka at ‘yung mga mahal natin sa buhay."

Matapos ibahagi ng dalawa ang kanilang vows, kanila namang ipinakita ang kanilang wedding rings at certificate of commitment, na siya naman nilang nilagdaan.

Pangako pa ni Vice kay Ion na siya ang magiging dahilan niya ngayon kung bakit gusto niya pa ring mabuhay "bukas at sa mga susunod na araw."

Matatandaang unang nasama sa "It's Showtime" family si Ion bilang Kuya Escort sa "Miss Q&A" segment ng nabanggit na noontime show.

ION PEREZ

IT'S SHOWTIME

LAS VEGAS

MARRIAGE

VICE GANDA

WEDDING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with