Cindy, may nahanap sa reroute!
May kasabihan na “minsan kailangan mong mawala para mahanap ang iyong sarili,” pero paano kung hindi mo ito magawa?
O mas malala, paano kung hindi ka na mahanap? Nang kahit na sino man. I-fasten ang mga seat belt at i-ready na ang GPS dahil parating na ang Reroute sa Vivamax ngayong January 2022
Isang sexy-suspense thriller na pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na mga aktor sa Pilipinas, sa pangunguna ng Venice Film Festival Best Actor na si John Arcilla.
Ang Reroute ay kwento ng mag-asawang si Trina (Cindy Miranda) at Dan (Sid Lucero) na nagkakaroon ng problema dahil pinaghihinalaan ni Dan na may iba si Trina. Sa gitna ng problemang ito, napagpasyahan ng mag-asawa na bumisita sa nag-aagaw buhay ng tatay ni Dan sa probinsya.
Sa kanilang pagbyahe, mahaharang sila ng isang roadblock at aabisuhan na sumubok ng ibang daan at mag-reroute. Sa pagod sa pagmamaneho, maiinis na si Dan dahil aabutin pa ulit ng isang oras kapag nagbago sila ng ruta, dito niya mapapagpasyahan na dumaan sa isang shortcut, sa isang masukal at malubak na daan.
Sa pinagkamalas-malasan ay masisiraan pa ang kanilang sasakyan sa gitna ng daan, dito nila makikilala ang isang misteryosong lalaki na aalukin silang tulungan, si Gemo (John Arcilla). Iimbitahan ni Gemo ang mag-asawa na magpalipas ng gabi sa kanyang bahay at kinabukasa’y tutulungang ipaayos ang nasirang sasakyan. Sa pagod ay papayag ang dalawa kahit na pinaghihinalaan na ni Trina ang mga galaw at mga pagtatanong ni Gemo tungkol sa buhay nila ng kanyang asawa.
Sa pagdating nila sa bahay ni Gemo, makikilala rin nila ang asawa nito, si Lala (Nathalie Hart), na misteryosa rin at bihira lang kung magsalita. Sa pagtuloy ni Trina at Dan sa bahay ni Gemo ay siya ring patuloy nitong pagtatanong ng mga personal na bagay tungkol sa buhay nilang mag-asawa, at lalo nang maghihinala ang dalawa.
Ang kakaiba at misteryosong kwento ng Reroute ay nangangailangan ng mahusay na pagganap.
Kasama ni John Arcilla sa pelikula ay si Sid Lucero na may makailang ulit nang nanalo ng best actor awards at mayroon ding nominasyon sa International Emmy Awards.
Kasama rin ng mga batikang aktor ay isa ring award-winning director, ang pelikulang ito ay sa direksyon ni Lawrence Fajardo na nagdala sa atin ng internationally-acclaimed movie na Amok.
Mula sa Viva Films, markahan na sa kalendaryo ang pagdating ng Reroute sa Vivamax ngayong Jan. 21, 2022.
- Latest