^

PSN Showbiz

Andi Eigenmann ido-donate kikitain ng kanilang vlog sa Siargao 'Odette' survivors

Philstar.com
Andi Eigenmann ido-donate kikitain ng kanilang vlog sa Siargao 'Odette' survivors
Litrato ng pamilya nina Andi Eigenmann at soon to be husband na si Philmar Alipayo
Mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

MANILA, Philippines — Bilang tulong sa mga nasalanta ng hagupit ng nagdaang Typhoon Odette, ibubuhos ng isang aktres ang kikitain ng kanilang vlog para sa probinsyang itinuturing na nilang tahanan — bagay na isa sa mga pinakamatinding tinamaan ng bagyo.

Ito nga mismo ang inanunsyo ni Andi Eigenmann sa kanyang Instagram post, Miyerkules, lalo na't doon na sila sa Siargao tumitira ng partner na si Philmar Alipayo at kanilang mga anak.

"We are grateful that our family and friends are safe, but most of them have lost their homes and are in need of food, water, among others," wika ni Andi kahapon sa IG.

"With this, we will be using our earnings from our coming videos to help slowly rebuild our island home again."

Ang "Happy Islanders" Youtube channel ng kanilang pamilya ay may 2.41 milyong subscribers habang isinusulat ang balitang ito.

Sa 258 na namatay sa ngayon dulot ng bagyong "Odette," nasa 21 ang nagmula sa Surigao del Norte — ang probinsya kung nasaan ang Siargao. Aabot sa P5.77 milyong halaga ang winasak ng sama ng panahon sa sektor ngh agrikultura ng kinapapalooban nitong rehiyon ng CARAGA. Maliban pa ito sa P5.02 milyong damage na tinamo ng rehiyon sa imprastruktura.

"Siargao has brought so much magic into my life and this will be our way of giving back to our community. To our home," dagdag pa niya.

"Motindog ra ta pagbalik gajud, Siargao. Magtabangay ra ta."

Ilang araw pa lang nang sagutin ni Andi ang mga akusasyon hinggil sa kanyang fiancé na si Philmar, na pinararatangan ngayong "nagnanakaw" diumano ng mga donasyon para sa Siargao. — James Relativo

ANDI EIGENMANN

BAGYONG ODETTE

SUPER TYPHOON ODETTE

SURIGAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with