^

PSN Showbiz

11.11. umaapaw ang ganap...

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
11.11. umaapaw ang ganap...
Ellen at Derek
STAR/ File

Derek at Ellen sa bundok kinasal ng pastor; Kasal ng anak ni Sen. Bong dinagsa ng mga pulitiko; Volleyball star na si Jia Morado nag-trending ang kasal

Ang daming ganap kahapon, 11.11, Huwebes.

Bukod sa  aligaga ang mga shopaholic sa pagso-shopping online dahil sa big discounts sa mga e-commerce platforms, as in Wednesday night pa lang marami na ang naglagay sa kanilang cart para check out agad pagpatak ng 12:00  midnight, busy ang social media dahil sa tatlong kasalan, wedding anniversary, demandahan at kay Mayor Duterte.

Kahapon nag-celebrate ng anniversary as a couple sina Ogie Alcasid and Regine Velasquez. Kaya maaga pa lang ay nag-post na si Ogie ng : “To many, 11/11 is about the adding to cart frenzy. But for us as a couple, it is the day we celebrate the day we fell in love and the day we moved into our home 14 years ago. We were younger then and we wouldn’t have known that indeed God still had to mould us into what we are today. And like everybody else, still learning and growing with the Lord. Ty Dear Jesus for sustaining us through our ups and downs and our many sideways. To the love of my life, everyday is a wonderful beginning with you. Happy 11/11!!! I love you my Regine.”

Ogie at Regine

First wedding anniversary naman nina Mikee Morada and Alex Gonzaga. “One year happily married with you my papamelly and i’m so thankful you showed up that day!,” post ni Alex.

Tatlong kasalan din ang naganap kahapon.

Ikinasal sina Derek Ramsay and Ellen Adarna sa Bagac, Bataan, sa bundok, ng isang pastor at doon na rin ginanap ang reception, sa isang luxury resort.

Ang daming social media posting nina Derek at Ellen, pero wala silang masyadong pictorial sa seremonyas ng kasalan habang sinusulat namin ito though may ilang nagpadala ng photos pagkatapos ng kasal ng 4:00 p.m.

Ilang gown ang sinuot ni Ellen sa pictorial sa social media na lahat bagay sa kanya at ang gaganda.

Nagpasalamat naman si Derek sa kanyang mga kaibigan na nasa kasalan. “Thank you @biancacordero for my suit. Thank you boys for your friendship.” May upload din siyang “Cheers to my beautiful future. I love you you my dear wife!”

#EDetona #EllentaongnaghintaysiD ang hashtags nila.

Kahapon din ikinasal ang anak ni Sen. Bong Revilla and Mayor Lani Mercado na si Giana Bautista sa longtime boyfriend nitong si Jed Patricio.

Sa Revilla Farm, ginanap ang kasal nina Giana and Jed,  na dinaluhan ng mga pinag-uusapang personalidad sa pulitika, sa pangunguna nina presidentiable Bongbong Marcos, Sen. Bato dela Rosa na isa ring presidentiable and Mayor Sara Duterte na umatras na sa kandidatura sa pagiging mayor uli ng Davao dahil diumano’y kakandidatong Presidente. Kahapon din ito bumitiw sa kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago. Tuhog naman dito ang panunumpa niya sa Lakas-CMD kung saan presidente si Sen. Bong.

Giana at Jed

Nag-trending din ang Balesin dahil kay Mayor Sara pa rin nang dumating siya roon para sa birthday party ni House Speaker Lord Allan Velasco sakay ng F-28 jet. Though late post daw ‘yun.

Kinasal din kahapon ang volleyball star setter na Jia Morado sa longtime boyfriend nitong si Miguel de Guzman na nag-trending din sa Twitter.

Sinampahan din kahapon ng cyber libel ni Congresswoman Claudine Bautista-Lim ang aktor na si Enchong Dee.

Ito ay tungkol pa rin diumano sa mga sinabi ng aktor na burado na nang pakasal ang party list representative sa Balesin noong February sa negosyante na si Jose Lim via civil wedding na isa ring old rich sa Davao.

Kaya naman, umuusok ang social media sa 11.11.

Jia Morado at Miguel De Guzman

 

vuukle comment

DERECK

ELLEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with