^

PSN Showbiz

Bossing Vic, ayaw munang gumawa ng pelikula

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bossing Vic, ayaw munang gumawa ng pelikula
Tali, Vic at Pauleen

Hoping si Bossing Vic Sotto na next year ay makakagawa na siya ng pelikula para sa Metro Manila Film Festival.

Ngayon ay lie low muna si Bossing Vic at tuloy ang work from home. “Pagdating sa pelikula medyo lie low muna dahil ‘yun na nga maraming restrictions and sa ngayon sana nga matuloy na yung medyo mag issue sa restriction sa sinehan para may maipalabas na tayong mga pelikulang Filipino films. Sabi nga ni Liza Dino sana unahin sa sinehan ‘yung mga Filipino film dahil alam naman natin sa industriya natin medyo malaking epekto dito sa pandemic but ako siguro I’ll save it for next year. Nakakamiss din gumawa ng pelikula. Most probably when things really get better by next year, see you at the festival,” sagot ni Bossing Vic kung may plano ba siyang gumawa na ng pelikula or sumali sa Metro Manila Film Festival na ginaganap tuwing December.

In fact, kahit sa weekly sitcom nilang Daddy’s Gurl, gumamit siya ng CG (computer graphics) para magmukhang nasa taping siya kahit nasa bahay lang. “Hindi na po siya nakakahon lang. Nagawan po namin ng paraan na si Bossing po ay nasa eksena na, buong-buo. Nakikipag-interact na po siya kay Maine, kay Oyo (Sotto) o kay Wally (Bayola). So, nag-improve na po kami,” banggit ni direk Chris Martinez sa ginanap na media conference the other night para sa third anniversary ng Daddy’s Gurl at bagong casts nito.

Ang maganda lang na nakulong siya sa bahay, naging full-time daddy siya ngayong pandemic kay Tali, first daughter nila ni Pauleen Luna. “Dahil nga more than half of my life, I was working, nagtatrabaho ko, para rin naman sa kanila ‘yun, para sa pamilya. And this is the first time na halos lahat ng highlights ng isang bata eh nakita ko. Not like with Danica, Oyo (kay Dina Bonnevie) nung lumalaki, most of the time, I was out of the house, working, shooting, taping.”

Maging sa iba pa niyang anak na sina Mayor Vico Sotto and Paulina Sotto ay hindi rin siya nagka-oras noon.

With Tali, nakita raw niya ang lahat ng developments nito. “So, kung mero’n man akong nadiskubre eh okay naman pala akong tatay,” banggit niya sa pagiging 100% father kay Tali.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with