Season 2 ng probinsyano, ipapalabas na sa vietnam

Patuloy na sinusundan ang pakikipagsapalaran ni Cardo (Coco Martin) sa FPJ’s Ang Probinsyano sa labas ng bansa dahil ipapalabas na ang ikalawang season nito sa Vietnam ngayong linggo.

Mapapanood na ng Vietnamese viewers ang bagong yugto sa kwento ni Cardo simula ngayong Oktubre 17 tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo sa HTV9 channel.

Sa nakalipas na anim na taon ng serye, nadagdagan ang mga sumusubaybay sa longest-running Pinoy action-drama series sa bansa. Bukod sa Vietnam, napapanood din ang episodes nito sa Netflix at The Filipino Channel at ipinalabas sa TV sa Myanmar, Laos, Thailand, at 41 bansa sa Africa.

Napapanood naman ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Show comments