^

PSN Showbiz

Derek at Ellen, ayaw magbigay ng detalye sa kasal

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Derek at Ellen, ayaw magbigay ng detalye sa kasal
Derek at Ellen
STAR/ File

Walang announcement ang engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna tungkol sa kanilang kasal. Kaya mababalitaan na lang natin, kasal na pala sila.

Iyon ang nilinaw sa amin ni Derek nang kinumusta ko ang kanilang wedding preparations at kung meron ba silang announcement. “Hello dear. Wedding plans happening as we speak, but hindi kami mag-announcement,” text back ni Derek.

May mga nagsasabing ngayong buwan ng September ang wedding, pero wala pang silang na-finalize dahil sa kinu-consider nila ang quarantine status ngayon. Lalo pang tumataas ang COVID cases, at mukhang naparami ang mga imbitado nila.

Sabi nga nilang dalawa sa nakaraang interview namin sa DZRH, mas gusto nila simple lang talaga at limitado lang ang mga imbitado, pero medyo napabongga na raw dahil sa gusto ng kani-kanilang pamilya.

Kaya wala pang katiyakan kung masusunod ba ang original na schedule ng kasal o mauurong ito.

Siguro nga hintayin na lang pagkatapos ng kasal, dahil tiyak na isi-share nila ito sa kanilang vlog.

Kamakailan lang ay narinig ko naman sa office namin sa DZRH na nag-uusap sina Morly Alinio at Derek tungkol sa gagawing drama series ni Bea Alonzo sa GMA 7.

May fans na nagsasabing sana si Derek na raw ang ka-partner ni Bea. Open naman daw si Derek sa ideyang ito, pero so far wala pang sinasabi ang GMA 7 sa kanya.

Rayver, bumilis ang tibok ng puso nang makaeksena si Christopher De Leon

Nakaka-proud ang nakamit ni John Arcilla ng Volpi Cup o Best Actor sa Mostra Internazionale D’Arte Cinematografica La Biennale di Venezia o ang katatapos lang na Venice International Film Festival.

Isa si John sa pinagkatiwalaan ng mahalagang role sa pelikulang On The Job: The Missing 8 na entry sa naturang international filmfest.

Nasa lock-in taping pa ng Ang Probinsyano ang aktor at kahit gustuhin man niyang sumama sa Venice, mahirap talaga dahil maraming araw ang masasayang lalo na’t ongoing pa ang taping nila ng teleserye ni Coco Martin.

Kaya nagpadala na lang ng kanyang video message para tanggapin ang naturang award.

Isa sa sa natutuwa at proud na naging bahagi sa pelikulang On The Job: The Missing 8 ay si Rayver Cruz.

Gusto raw niya talagang makaganap ng role na ibang-iba sa mga nagawa niya noon. Ibang experience raw sa kanya na naging bahagi siya ng malaking pelikulang ito.

Isa nga raw sa hindi niya makalimutan ay nakaeksena niya si Christopher de Leon, ang lolo ng girlfriend niyang si Janine Gutierrez. Iba raw pala talaga kapag kaeksena mo ang original Drama King. “Mas kinabahan ako siyempre Mr. Christopher de Leon ‘yun,” pakli ni Rayver.

Meron daw silang eksenang magkasama na medyo mahahaba raw ang lines, talagang kabado na raw siya.

“Hindi pa nagsimula yung take, medyo kinakabahan na ako kasi feeling ko magkakamali ako. Pero sobrang bait ni Sir Christopher kasi parang tropa lang. Hindi ko pinapahalata na ang bilis na ng tibok ng puso ko, kasi kabado ako. Siyempre alam mo ‘yung mga pioneers natin na alam mo eh.

“Sobrang good experience. Sobrang solid na experience na makaeksena ko man lang ang the best of the best,” saad ni  Rayver.

Ngayong kari-renew lang niya ng exclusive contract sa GMA 7, gusto rin daw sana niyang makagawa ng project na mala-OTJ na may pagka-bad ang karakter na mala-bida-kontrabida. “Masarap mag-portray ng role na medyo bastos na pangit ugali na bad boy pero mamahalin ng tao.

‘Yung tipong bida-kontrabida, nakakainis pero masarap siyang panoorin ng mga tao, ‘yung ganun,” napangiting pahayag ni Rayver.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with