^

PSN Showbiz

‘Totoong pagmamahal, dapat unconditional!’

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang lagi ko sinasabi na pag gusto mo talaga ang isang tao, unconditional ang magiging pagmamahal mo rito.

Na tipong kahit may nagawa siyang mali, may pinag-awayan kayo, pero hindi nagiging dahilan iyon para maghiwalay kayo. Hindi kababawan ng ugali na tanggapin mo ang pagkakamali ng isang tao na talagang mahal mo. Dapat ipaglalaban mo ito.

Pero kung talagang hindi mo na kaya, ok na maghiwalay kayo pero sana friends at maganda pa rin ang trato ninyo sa isa’t isa.

Sila Rudy Fernandez at Lorna Tolentino maraming problema na hinarap bilang mag-asawa noon, pero hanggang namatay si Rudy nasa piling niya si Lorna.

Marami rin naging pagsubok sa buhay nina Sen. Bong Revilla at Mayor Lani Mercado, pero hanggang ngayon nasa piling nila ang isa’t isa. Hindi pagiging martyr sa panig ng babae na tanggapin ang mga pagkakamali ng kanyang asawa, pagmamahal ang tawag dun.

Unconditional love, walang mali o tama, basta magkasama tayong dalawa.

Iyan ang dapat motto ng mag-partner sa buhay, ‘till death do us part. Kaya sa nagmamahalan, walang tama o mali. Basta together forever.

Mayor Joy at Mayor Abby, suportado ng mga mister

Siguro pag asawa mo Salve ay mga Mayor tulad nila Mayor Joy Belmonte at Abby Binay dapat very strong ang character mo.

Imagine na halos buong araw nasa opisina sila o kaya naglilibot sa city na nasasakupan nila.

Ang laki ng Quezon City at Makati, pero nagagawa nila Mayor Joy at Mayor Abby na libutin at tingnan ang mga nagaganap dito.

Halos buong araw nila, ubos sa pamamahala at kahit na nasa bahay sila, tiyak na meron pa rin silang uwing trabaho.

Kundi strong character ng mga mister nila tiyak na magiging jealous sa time na ibinibigay nila sa kanilang trabaho. Pero dahil supportive ang mga ito at alam na talagang priority ng mga misis nilang leader ng bayan ang pamamahala para maging mas maganda ang siyudad nila, bukas ang puso at isip nila para sa kanilang mga misis.

Hindi nga sila nakikipag-agawan ng eksena bilang mga First Gentleman, basta nasa likod lang sila, umaalalay at nagbibigay inspirasyon dahil meron din silang sariling matagumpay na career. Basta sa dalawang mabait at masipag na Mother ng Quezon City at Makati, Protektodo, at Gandang paglilingkod. Clap clap clap.

LORNA TOLENTINO

RUDY FERNANDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with