^

PSN Showbiz

Sikat na babaeng personalidad, nagwawala ‘pag iisa ang gamit na camera sa taping!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang kaartehan ng isang pamosong female personality, ayon sa kanyang mga kasamahang artista, ay ikalawang balat na niya. hindi siya ‘yun kung hindi siya mag-iinarte.

May karapatan naman siyang umarte nang wala sa hulog, marami na siyang napatunayan, may K siyang mag-inarte.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng minsang meron siyang interview, e, nagkaroon ng problema ang production. Usually kasi, two cameras ang ginagamit niya. never siyang nag-one cam lang.

“Kaso, ang second cam na gagamitin niya, e, gina­gamit pa ng ibang show, itatakbo na lang sa venue ng interview niya kapag available na.

“Nagkaroon ng bulilyaso, hindi agad natapos ang gu­magamit ng second camera, natagalan, kaya hindi masimulan ng female personality ang kanyang trabaho.

“Ayaw niyang naghihintay, gusto niyang areglado ang lahat ng equipment kapag siya ang nagtatrabaho, uminit ang ulo ng female personality! Palagi siyang nakasima­ngot!

“Nu’ng finally, e, dumating na ang ikalawang camera, wala na siya sa mood magtrabaho. Pinaghintay niya naman ang iinterbyuhin niya at ang buong production,” natatawang kuwento ng aming impormante.

Maraming ganu’ng pinagdaanang karanasan ang produksiyon sa female personality. Ang iba ay kauna-unawa at ang iba naman ay siya lang ang makaiintindi.

“Professional siya, magaan siyang katrabaho, pero huwag lang kapag may personal problem siya. Damay ang work niya kapag ganu’n. Wala siya sa mood, marami siyang reklamo, kahit napakababaw lang.

“Pero kapag in the mood naman siya, e, nahihirapan din ang production staff and crew, kasi nga, daldal siya nang daldal, hindi matapus-tapos ang mga kuwento niya!

“At kapag umandar ang kaartehan niya, e, tameme na lang ang lahat. Walang makapagsabi sa kanya na roll na sila. Deadma lang kasi ang female personality. Hindi niya ‘yun napapansin.

“Hindi siya ‘yun kapag hindi siya nagparamdam ng kaartehan. Hindi siya ‘yun kapag wala siyang pinipintasang kahit sino sa set. Nakakaloka siya, pero nakakaaliw rin ang lokah!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Derek, naging balat sibuyas dahil kay Ellen

Ngayon lang namin nakitang dumedepensa si Derek Ramsay sa kanyang karelasyon. Nasanay na kaming pinadadaan niya lang ang isyung kinasasangkutan ng kanyang girlfriend, itinatawa lang niya ‘yun, hindi siya nagpapaapekto.

Pero ngayon kay Ellen Adarna ay parang balat-sibuyas si Derek, nakadepensa siya agad, sobra siyang naaapektuhan. Siya pa ang mas nasasaktan kesa kay Ellen.

Sobra-sobra ang pagmamahal ni Derek kay Ellen. Ayaw niyang nasasaktan ang kanyang girlfriend, kahit kaibigan na niya nang matagal na panahon ay handa siyang mawala, maipagtanggol lang niya ang aktres.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Ibang-iba na si Derek ngayon. Wala na ang very cool Derek na nakilala ko, it must be love talaga, napakasuwerte ni Ellen, hindi siya pababayaan ni Derek na saktan ng kahit sino.”

Mabuti naman at nagkausap na sila nang masinsinan ni John Estrada, si Derek mismo ang tumawag sa kanyang kaibigan, katabi niya ang kanyang mga magulang nang magkalabasan sila ng emosyon ni John.

Nakapagsalita kasi si Derek na parang nakikipagsaulian na siya ng kandila kay John, tinatapos na niya ang kanyang asosasyon sa aktor, pero marunong siyang gumamot.

Siya mismo ang nagpaliwanag kay John kung saan siya nanggagaling, kung bakit siya nakapagsalita nang masakit, tinanggap naman ni John ang kanyang paliwanag.

Sayang na sayang naman kasi ang kanilang samahan, si John pa nga ang naging tulay kung paano niya nakilala si Ellen, pinahahalagahan ‘yun ni Derek.

Ngayon lang talaga namin nakikitang ganito kaemosyonal si Derek. Dahil ‘yun kay Ellen na sobra-sobra niyang mahal. Pero paminsan-minsan ay puwede rin sigurong magtimpi si Derek.

Huwag na niyang pinapatulan ang mga bashers ng kanyang girlfriend. Artista si Ellen, natural lang na may hindi nagkakagusto sa mga ginagawa ng kanyang girlfriend, huwag na sana niyang sinasagot ang patutsada ng mga taong hindi naman nakakakilala sa kanila at para may masabi lang.

Hindi masama ang ginagawa niyang pagtatanggol kay Ellen, natural lang ang ganu’n sa mga nagmamahalan, pero paminsan-minsan ay dapat ding mapag-aralan ni Derek Ramsay ang papa­sukin niyang laban.

Sayang lang ang panahon, sayang ang kanyang laway, lalong-lalo na kapag wala namang kabuluhan ang isyu.

vuukle comment

ELLEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with