^

PSN Showbiz

Raffy at Willie, inaabangan kung bibigay sa pulitika!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Raffy at Willie, inaabangan kung bibigay sa pulitika!
Raffy
STAR/ File

Salve, tanong ko sa iyo, sino sa palagay mo ang magna-number 1 ‘pag parehong tumakbo sa Senado sina Papa Raffy Tulfo at Willie Revillame? Sino ang mas iboboto mo? Sino ang pipiliin mo? Pareho kasi na sinasabi na malakas at sure winner ‘pag tumakbo sina Raffy at Willie dahil nga sa lakas ng fan base nila, ‘yung sobrang sikat nila ngayon.

So, kung sabay sila na kakandidato, sino ang mas magna-number 1? Hah hah, ang ganda sigurong pustahan kaya naman hinihintay na ng marami kung tutuloy nga ang dalawa sa pagtakbo, kung mako-convince para sa Senate race.

Well, pareho kasi ang track record ng dalawa na maraming natulungan, marami ang umaasa na baka mas malaki ang maitulong ‘pag nasa Senate na. Pero mukha namang hindi na kailangan pang tumakbo sa pulitika ang dalawa, ‘yung misis ni Papa Raffy, nasa Congress na, si Willie naman panay na ang tanggi sa mga pumipilit sa kanya.

Naalala ko tuloy na for the longest time, inaalok sina Dolphy at Vic Sotto para magkandidato pero never nilang pinasok, kaya palagay ko, baka ganundin sina Raffy at Willie, no to politics.

Ang saya na nila ngayon sa kanilang career, hindi na siguro kailangan pa na idagdag ang pulitika.

Well, tingnan natin kung may malakas na power para makatanggi sina Raffy at Willie.

Sunud-sunod pa naman ang election, 2022 at 2025, tingnan natin ang kapalaran.

(Baka mag-tie sila sa No. 1, Nay. Hahaha. – SVA)

Election 2022, star-studded

Buti na lang magkaiba ang mga distrito kung saan tatakbo sina Arjo Atayde at PM Vargas. Imagine mo, siyempre friend natin si Sylvia Sanchez, at kapatid ni Alfred ‘yung isa. Iyan ang mahirap sa politics, ‘pag pareho mong hindi matanggihan ang mga tatakbo.

Si Arjo kung wala mang experience pa, baka nasa puso naman niya ang pagiging leader para sa tatakbuhin niyang puwesto. Si PM naman, isang konsehal at ang papalitan kung sakali ang puwesto ni Alfred kaya medyo may experience na sa papasuking teritoryo.

May pagka-star-studded ngayon ang eleksyon kaya pukpukan siguro ang labanan. Bongga nga dahil sabi nga nila medyo may edge na ang mga kilala na, gaya ng mga artista, dahil iba nga ngayon ang mangyayari sa campaign dahil nga sa pandemic.

Hay naku, sure akong kinakabahan na sina Sylvia at Alfred dahil mas excited pa sila kesa anak na si Arjo at kapatid na si PM.

Kaya, Salve, bantayan mong mabuti ang magiging takbo ng election 2022 dahil tiyak na iyon din ang magiging trend ng 2025. Exciting.

vuukle comment

RAFFY

WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with