^

PSN Showbiz

Pangalang Shalala bigay ni Kuya Germs, sikat noong kanta

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Pangalang Shalala bigay ni Kuya Germs, sikat noong kanta
Shalala
STAR/ File

Nang mabalitaan namin ang pagkawala ni Tolits Reyes, na mas kilala sa tawag na Shalala, nabigla rin kami at hindi namin alam kung ano ang aming sasabihin. Matagal din naming nakasama at naging kaibigan si Tolits.

Malayo ang narating ng career ni Tolits sa show business. Ito ang hindi alam ng marami, nagsimula si Tolits bilang isang checker sa Viva Films noong araw. Maski noon likas na siyang mapagpatawa. Nakatuwaan siya ni Boss Mina, inilagay siya sa office, at tapos ay nalipat sa Ad and Promo department ng kumpanya.

Noon nagsimula ang contact niya sa mga artista at sa mga tao sa industriya ng telebisyon. Siya ang kasama ng mga artista kung sila ay nagiging guest sa TV shows para mag-promote ng pelikula.
Pero siyempre gusto ring umasenso, later on ay naging production assistant na siya sa shows ni Kuya Germs (German Moreno).

Natatawa rin ang Master Showman kung naririnig niyang tumitili at nagtatawag na ng tao, kaya noong malaunan, nag-voice over na rin siya sa show. Tapos ginawa siyang co-host ni Kuya Germs sa kanyang radio program, at dahil hit nga noon ang kantang Shalala la la ng Vengaboys, naisip din ni Kuya Germs na tawagin siyang Shalala.

Noong masanay na siya sa pakikipagpalitan ng jokes sa radyo, kinumbinsi siya ni Kuya Germs na lumabas na on cam.

Ayaw ni Tolits noong una dahil sa totoo lang mahiyain iyan. Pero nakumbinsi rin siya, at ginawan nila ng gimmick ang kung anu-anong kuwintas ang ipinasusuot sa kanya ng production designer nilang si Val Villafuerte na yumao na rin. Nag-click din naman siya bilang Shalala sa telebisyon.

Hanggang isang araw, tinawagan kami ni Tolits, nagsabi sa amin na may offer sa kanya ang TV5, hindi naman kalakihan ang talent fee pero daily ang show at sasagutin daw ng production ang damit niya. Kami ang nagsabi sa kanyang tanggapin iyon at maiintindihan naman iyon ni Kuya Germs.

Doon nagsimulang umangat ang kanyang buhay. Nagkaroon siya ng sasakyan, naipaayos niya ang kanilang bahay, napag-aral niya pati ang kanyang mga pamangkin at minsan tinawagan niya kami dahil gusto raw niyang mag-blowout. Nawala rin naman ang show sa TV5, pero bago nawala iyon, nakukuha na siyang host sa shows sa malls at out of town. Tapos nagbalik siya kay Kuya Germs at nanatili na roon hanggang sa yumao nga ang Master Showman at nawala ang show. Naging artista rin naman siya sa mga serye.

Masasabi nga siguro natin na si Tolits o Shalala ay nagkaroon din ng magandang buhay.

Eddie, pararangalan sa Italian filmfest

Pararangalan daw si Eddie Garcia sa isang film festival sa Italya. Marami na ang nagbigay sa kanya ng parangal.

Mayroon pa ngang nagsasabi na dapat siyang gawing National Artist ng Pilipinas. Pero hanggang ngayon hindi maliwanag sa amin kung may nanagot nga ba sa nangyari sa set ng isang serye na gagawin sana noon.

Hindi na itinuloy ang seryeng iyon, at yumao na rin ang director noon na si Toto Natividad. Pero aywan kung ano nga ba ang naging pananagutan ng GMA 7, o masasabi nga bang noon namang mga panahong iyon, hindi sinasabi sa batas na kailangan ng doctor, ambulansiya, at mga safety personnel sa set.

Hindi naman talaga ginagawa iyan noon sa pelikula man o sa telebisyon. Nagsimula na lang pag-usapan iyan noong maaksidente na nga si Manoy.

Ano nga kaya ang kinalabasan ng imbestigasyon? Sino at ano rin ang nangyari sa mga pinapanagot?

Mga bading sa showbiz, mahina ang kontrol

Mas delikado na nga ba ngayon ang mga lala­king pumapasok sa showbiz?

Ganyan ang naging usap-usapan ngayon dahil sa naging reklamo ng baguhang si Paolo Pangilinan. Kung natatandaan ninyo, nagkaroon din ng ganyang usapan tungkol kay Mike Tan noon, na naging dahilan kung bakit napalitan ang director ng isang serye.

Pinalabas na lang na may ibang dahilan.

Kung nasa showbiz ka, hindi lang iyan ang mababalitaan mong mga artistang lalaki na napagsasamantalahan, o pumapayag na pagsamantalahan dahil sa kagustuhang sumikat.

Bihirang mabalita na may babaeng inaabuso. Mukhang mas malakas mag-control ang mga lalaki sa showbiz kaysa sa mga bading, na basta may nagustuhang pogi, tinatalo na.

Maraming nagsabing patitigilin nila iyan, pero kailan nga kaya matitigil?

Ang problema hindi naman lahat umaamin na sila ay inabuso.

vuukle comment

KUYA GERMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with