Cristine ‘hinahanap’ ng pulitikong na-link kay Kris!

Cristine
STAR/ File

Aww, hindi pala natuloy ang relasyon nila Kris Aquino and Vice Governor Mark Leviste. Maingay ang chika noon na si VG Leviste ang bagong love ni Kris, pero hindi pala.

Mismong ang pulitiko ang nagsabi na friends lang talaga sila ni Kris as in naging confidante siya nito pero walang love angle ang naging closeness nila.

At ang gustong makilala at crush ng pulitiko na minsan na ring napanood sa Ang Probinsyano, si Cristine Reyes.

Well, balitang single na si Cristine though wala siyang binibigay na official statement na hindi na sila magkakabalikan ng dating asawang Martial Artist na si Ali Khatibi na ama ng anak niyang si Amara, pero common knowledge sa showbiz na wala na sila nito.

Single and available raw ang pulitiko kaya wala namang masama.

Besides, crush lang naman ang mention nito nang sandali naming makausap sa birthday blowout ng public service digital show host na si Pinky Tobiano para kay Nay Lolit Solis kahapon. Present din sa nasabing lunch si Tim Yap.

Aww, why not.

Show comments