^
John Rendez, naghaha­mon sa Noranians!
John
STAR/ File

John Rendez, naghaha­mon sa Noranians!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2021 - 12:00am

Ohh ang ‘lala’ ng video ni John Rendez na napanood ko.

Galit na galit na galit siya sa Noranians.

Nakaka-worry nga kasi baka-ma-high blood siya. Kasi talagang grabe ang galit niya habang hinahamon ang fans ni Nora Aunor. May pagbabanta pa siyang sinasabi.

Basta, sobra-sobra ang galit niya sa Nora­nians pero aminado siyang hindi siya sumikat dahil daw hindi siya pumapatol sa ‘bakla.’

Meron ding habang nagagalit siya ay nagra-rap siya.

Pero mas grabe ang video no. 2. Naglabas siya ng animo’y samurai at shot gun ba ‘yun.

Hahaha. Ang sabi ng source na nag-forward ng video, supposedly ay for a group chat ‘yun pero kumalat sa isang showbiz writers. At ‘yun na nga, marami na ang nakapanood.

Kung ano ang pinag-umpisahan ng galit niya sa Noranians ay ‘di ko sure.

May nabasa akong article last year na nagkampihan sila ng Noranians sa National Artist Award ni Nora Aunor, pero anyare kaya.

Anyway, alam kaya ni Ate Guy ito? Diumano’y si John ang rason kaya hindi kasundo ni Ate Guy ang kanyang mga anak.

JOHN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with