^

PSN Showbiz

Proposal ni Derek kay Ellen, napaaga!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Proposal ni Derek kay Ellen, napaaga!
Ellen, Elias, Derek at Austin
STAR/ File

Martes Santo, binulabog ng ­magkasintahang Derek Ramsay at Ellen Adarna ang buong mundo ng showbiz, pati ang kanilang mga bashers ay hindi makapaniwala sa lumabas na balita.

Ang magkarelasyong mahigit na dalawang buwan pa lang na luma­lantad ay malapit nang magpakasal, nag-propose na si Derek kay Ellen, na ikinaligaya ng kanilang mga kaibigan.

Hindi na kami nagtaka sa pangyayari, inaasahan na namin ang pagpo-propose ni Derek, napaaga lang ‘yun nang ilang araw sa petsang inaasahan namin.

Narito po ang blind item na inilabas namin sa pahinang ito nu’ng nakaraang Lunes, March 29, “Tatlong tulog na lang at tapos na ang Marso. Magtatapos na ang buwan na hinding-hindi makakalimutan ng buong mundo dahil sa pagsisimula ng pandemya.

Nakaabang ang buong bayan ngayon sa mga susunod na magaganap, balik-ECQ naman ang NCR at iba pang mga piling probinsiya, balik na naman tayo sa grade one.

Pero may hatid na anunsiyo ang buwan ng Abril. May nakatakdang pasabog ang isang magkarelasyon na minamahal ng iba pero paborito ring upakan sa social media ng mga bashers.

Isang mahalagang rebelasyon ang isasapubliko nilang dalawa, ikaliligaya ‘yun ng mga taong nakakakilala sa kanila mula ulo hanggang paa, pero maituturing din ‘yun na pagkain para sa mga bashers na walang inaabangan kundi ang butas na masisilip sa kanilang relasyon.

Abangan ang pasabog na ito sa mga unang araw ng Abril. Papalakpakan ng kanilang pamilya at mga kaibigan ang desisyong ipapahayag nila.

At ikagugulantang ‘yun ng mga taong walang alam gawin kundi ang kundenahin ang kanilang relasyon. At ikakapahiya ‘yun ng mga napakaagang humusga sa kanilang pagmamahalan.

Promise!”

Derek at Ellen nasapul ni kupido

Malaking sampal para sa mga humuhusga kay Derek Ramsay ang proposal, wala na kasing ibang ibinabato laban sa kanya ang mga bashers kundi ang estado ng pagpapakasal sa kanyang mga nakakarelasyon, hanggang salita lang daw ‘yun at wala namang natutuloy.

Sa nangyari kina Derek at Ellen ay maiisip na lang natin na ang isang relasyon ay hindi nasusukat sa tagal at igsi, kapag puso na ang nagsalita ay wala na tayong ibang magagawa, kailangan na lang nating makinig.

Sino nga ba ang mag-aakala na sa dinami-dami ng pinagdaanang relasyon ng hunk actor na bumilang nang maraming taon ay kay Ellen Adarna pa pala magaganap ang kanyang pagpapakasal?

Enero lang sila nagkakilala, isang biglaang dinner lang na kasama ang kanilang mga kaibigan ang naganap, pero pagkatapos nu’n ay hindi na sila nagkahiwalay.

Paniwala nga ng mas nakararami ay magka-live-in na sila ngayon, natutulog na sila sa isang kama, hindi na umuuwi si Ellen sa kanyang bahay.

Ganu’n katindi ang pana ni Kupido kung magtrabaho, tinamaan sina Derek at Ellen sa pinakasentrong bahagi ng kanilang puso, kaya sa kasalan na nga mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

Wala nang masasabi ngayon ang mga ba­shers na panay-panay ang pangunguwestiyon kay Derek, engaged na sila ngayon ni Ellen, ang pag-uusapan na lang nila ngayon ay kung kailan at saan ang kanilang kasal.

Pinanindigan ni Derek ang kanyang sinabi kailan lang na si Ellen na ang gusto niyang makasama habambuhay. Pinagtaasan ‘yun ng kilay ng iba, heto na naman daw ang bolerong si Derek, pero ano pa ba ang maikokomento nila ngayon?

May nang-usisa sa amin, bakit daw hindi si Andrea Torres ang inalok ng kasal ni Derek, isang tanong na walang-wala kaming karapatang sumagot dahil silang dalawa lang ang totoong nakakaalam ng mga dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Ang mahalaga ay mauuwi na sa kasalan ang whirlwind romance nina Derek at Ellen, napakabilis ng mga kaganapan pero di nga ba, palagi raw may nakalaang sorpresa ang kapalaran sa dalawang pusong sinserong nagmamahalan?

Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata. Parehong simpleng tao sina Derek at Ellen kahit pa ipinanganak silang may gintong kutsara sa bibig, panahon pa naman ng pandemya ngayon, kaya hindi na mahalaga kung isang napakabonggang kasalan ang magaganap sa lalong madaling panahon.

Ang pinakaimportante ay ang kanilang magiging pangako sa bawat isa na sa hirap at sa ginhawa, sa pagbagsak at sa pagbangon, sa anumang panahon ay magmamahalan sila nang tapat.

vuukle comment

ELLEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with