Independent band na Polymerase, magiging aktibo na
MANILA, Philippines — Naglabas ng demo album ang independent band na Polymerase pagkatapos ng ilang taong pananahimik.
Nag-umpisa noong 2014, ginawa ng magkapatid na Vincent Jose at VN Jose ang mga kanta pero naisantabi dahil naging abala sila sa ibang mga bagay.
At noon lamang 2020, nang mag-umpisa ang pandemya, naipaalala ni VN kay Vincent na muling buuin ang kanilang banda.
Mabilis na kinuha ni Vincent ang kanyang gitara at nag-umpisang kapain ang piyesa hanggang nabuo ang ‘Unostentatious.’
Sa paglipas ng mga araw, ang drummer naman na si Francis Ilagan ay binigyan ng mabigat na hampas ng drums ang kanilang kanta.
Ang naturang demo ay maaaring mapakinggan at ma-download ng libre sa www.polymerase.bandcamp.com at maaaring bisitahin ang kanilang facebook page na www. Facebook.com/polymerasepilipinas.
Ang Polymerase ay kasalukuyang naghahanda at nagpapaplano para sa kanilang susunod na extended play record o buong album na plano nilang ilabas matapos ang taon.
- Latest