_ngayon
^

Kilalang aktres, may pinagagamit na filter sa camera para ‘di makita ang wrinkles sa mga eksena

Jun Nardo (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2021 - 12:00am

Walang palag tila si Gabby Concepcion kahit makita man  ang mga wrinkle niya  sa mukha tuwing may close up shots siya sa Kapuso series niyang First Yaya.

Isa si Gabby sa mga artistang kainggit-inggit ang kinis ng mukha noong younger days niya. Eh kahit naman may edad na siya, hindi pa rin nawawala ang pagiging baby face niya kahit bakas na ang pelegis sa mukha!

Naalala tuloy namin ang isang kilalang aktres kahit malayo pa  siya sa senior age.  Super  conscious siya sa mukha niya kapag may close up shot siya sa eksena niya sa movies. Ayaw niyang makita ang guhit sa noo at mukha. Kaya kailangan may special  filter ang movie camera na gagamitin sa close up shot niya nang hindi makita ang wrinkles sa fezlak niya, huh! Tsinitsek niya agad ang resulta ng kuha sa kanya at kapag hindi niya nagustuhan eh pinauulit niya.

Anyway, hindi na masosolo ni Gabby ang paghahari sa GMA series pagdating sa roles na bagay sa edad niya. Kasi naman, balik-Kapuso na si Albert Martinez matapos ang ilang taon. May series na Las Hermanas si Albert sa GMA kaya may makakalaban na si Gabo sa senior roles na akma sa edad nila, huh!

Gagawing movie nina Alden at Bea, malabo pa ang kapalaran sa mga sinehan

HAY, back to zero na naman ang mga sinehan. Sarado na naman ito nang biglang lumobo ang COVID-19 cases sa mahigit sa pitong libo, huh!

Hindi pa nga nakakabuwelo ang mga sinehan sa kalbaryo matapos ang isang taon, nganga na naman sa kita mula sa moviegoers na gustong manood sa sinehan.

Teka, paano na ang Bea Alonzo at Alden Richards movie? Plano pa naman ng movie producers na sa sinehan ito ipalabas, huh!

Naku, madali naman magplano pero ang implementasyon? That’s another story!                            

YAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with