^

Gabby panay ang patikim ng imbentong luto sa lock-in

(Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

Kahit na tapos na ang second leg ng lock-in ta­ping ng upcoming Kapuso romantic-comedy series na First Yaya, nananatiling solid daw ang nabuong samahan ng buong cast ayon sa lead stars ng serye na sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Ayon kay Gabbby, isa raw ang leading lady niya na si Sanya sa mga nakatrabaho niyang madaling pakisamahan kaya naman hindi naging mahirap ang adjustment niya para sa role, “Mapagmahal sa kapwa at saka madali siyang pakisamahan, madali siyang barkadahin. At saka marami ring dalang pagkain ‘yan.

“Madalas ‘yung kasama ko sina Pancho, sina Kiel. Walang tao doong hindi ko kasundo. Walang negative sa set namin. Lahat okay,” dagdag pa aktor.

Isa naman sa mga tinitingalang artista ni Sanya ang kanyang leading man sa serye na si Gabby, “Sobrang generous niya. As in lahat. Kung saan kami masaya tatanungin kami, ‘Anong gusto ninyo?’, tapos nagluluto ‘yan para sa amin. At masarap siyang magluto. Mahilig siyang mag-imbento ng lulutuin.”

Kasama rin sa serye sina Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Ma­xine Medina, Thia Thomalla, Panch­o Magno, Kakai Bautista, Gardo Versoza, Jon Lucas, Cai Cortez, Rechie Del Carmen, Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Glenda Garcia, Analyn Barro, Anjo Damiles, Jerick Dolormente Kiel Rodriguez, Jenzel Angeles, Clarence Delgado, Patricia Coma, at Thou Reyes.

Mapapanood na ito ngayong March 15 sa GMA 7!

GABBY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with