^
Korean stars, pinadapa na ang pinoy matinee idols!
Maine at Alden

Korean stars, pinadapa na ang pinoy matinee idols!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

Hindi na shocking na pati ang local glossy magazines natin ay meron nang features na Korean stars. Internatio­nal na talaga ang status nila dahil napasok na nila ang Hollywood, lalo na ang K-pop groups.

‘Kalokah talaga na pati sa commercials, sila na rin ang ginagamit. Ganun na talaga kalakas ang hatak nila.

Well, wala naman kasing bagong excitement sa local showbiz, matagal na ‘yung AlDub na talagang gumulo sa lahat, at wala pang bago na sumusulpot.

Kahit sa Hollywood, mukhang lean season dahil wala ring bagong excitement tulad ng panahon nina Leo­nardo DiCaprio at Brad Pitt. Kaya now, Asian fever dahil sa Korean idols.

Bongga, dahil madalas naman silang magpunta dito sa Pilipinas, ‘yung iba nga paborito pang vacation place rito sa atin, saka marami ring Korean tourists dito plus students na dito nag-aaral.

Sana magkaroon din ng Filipino invasion, malay natin, in the future, tayo naman ang magkaroon ng ganun ka-wide na popularity.

Guwapo at super ganda ng mga Pilipino noh, why not?

Loyal viewers ng TIPMMG, walang pinipiling panahon

Happy, smiling Tuesday na naman kahapon dahil Take It… Per Minute Me Ganun day na naman at additional Tuesday ng ating anniversary.

Excited kami nila Mr. Fu tuwing Tuesday na malaman kung sino ang nakuhang sponsor ni Cristy Fermin para sa ating lunch. Sure ako sa Beautederm ni Rhea Tan at Bright Excel ni Ma­yette Acuna, Vanni Patillas at Dawn Salvador. And nasu-surprise ako sa ihahandang lunch nina Japs Gersin at Tina Roa.

Kaya si Mr. Fu ay dumarating na nang maaga dahil gusto nang humabol sa pagkain dahil alam niya na may special lunch, aside from research pa siya ng blind items niya, hah hah.

‘Kaloka na dahil sa sobrang lamig sa US hindi kinaya nina Angel at Apple kaya nakatulog sila sa paghihintay sa show natin last week. Siguro nga dahil sa lamig ngayon sa abroad, medyo nabawasan na ang naghintay sa atin dahil sa ginaw. Pero hanga pa rin ako sa loyal followers natin, Salve, kaya maginaw o mainit nandun sila para manood, grabe talaga ang loyalty nila sa TIPMMG, very grateful po kami.

Kaya sa mga hindi nakapanood kahapon nang live, maki-team replay na kayo sa Facebook pages ng Pilipino Star NGAYON, Pang Masa, Latest Chika and Showbiz NGAYON.

Bad dream, naka-isang taon na

‘Kaloka na March na at one year ‘yung bad dream natin ng COVID-19. Pero katibayan talaga na ganun kabilis ang panahon, na sa isang iglap nagaganap ang mga pagbabago sa buhay, kagaya nitong nangyaring pandemic.

Noong umpisa, inakala nating mabilis na mawawala, maaayos agad, na hindi kakayaning pasukin ang malalakas na bansa tulad ng USA at UK, pero buong mundo apektado niya.

Lahat naghintay ng gamot o anumang puwedeng ilaban, nakagawa ng bakuna na puwedeng tumulong pero hindi pa rin kayang tapusin ang COVID-19. Nangyari ang mga bagay na hindi na­ting akalaing magaganap, wala munang sinehan, isarado muna ang schools, at higit sa lahat, bawal munang pumunta sa simbahan. Nakita natin ang lahat ng bagay, fleeting lang, hindi importante, mas matimbang pa rin na healthy ka.

Sinubok ng COVID-19 ang lakas ng loob, faith, tiwala natin, affected tayo emotionally, physically at spiritually. Financially, nakita natin na importante talaga ang handa, dahil merong nawalan ng mga trabaho.

COVID-19 was a nightmare, a bad dream. Pero lumabas ang ilang magandang ugali ng tao dahil dito. Naging generous ‘yung iba, sympathetic, naging soft hearted, naging pasensiyoso, ‘yung iba nagkaroon ng disiplina.

Good and bad came out. But, God, please don’t let it happen again. Wala na sanang COVID-19, scary anniversary, looking forward sa ending nito.

ALDEN RICHARD MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with